Chapter five

103K 2.2K 106
                                    

Erinmay

Kissable lips

Napatuod lang ako habang hinahalikan ng lalaking ito ang mga labi ko dahil sa pagkabigla. Malambot ang labi niyang kinuyumos ng halik ang labi ko. Kinagat niya ng mariin ang labi ko dahilan para mapaungol at mapabuka ang labi ko.

Na sinamantala naman agad ng labi niyang nakapasok na sa loob ng bibig ko. Napaungol akong muli ng sipsipin niya ang labi ko. Parang gigil na gigil niyang kinagat at sipsip ang dila ko na knainit ng katawan ko.

Bigla bang nakuryente ako sa paraan ng halik niyang ginagawad sakin. At parang pinaparusahan niya ako.

Eto ba ang ganti niya sakin? Ang parusang magnakaw ng unang halik?

Dahil kung Oo, ay nakaganti na siya sakin. Sobra sobra pa nga dahil kinuha niya ang iniingatan kong halik. Halik na dapat galing sa taong mahal ko at magiging asawa ko na gusto kong pagbigyan ng una kong halik.

Pero wala na. Wala na dahil kinuha ng lalaking hindi ko kilala at hindi ko mahal.

Napabalik ako sa ulirat ng maramdaman ko ang kamay niyang hinihimas ang hita ko kaya nabahala ako at marahas ko siyang naitulak na kinamura naman niya.

Salubong ang mga kilay niyang tiningnan ako. Habang ako naman ay masama ang mga tingin sa kanya.

Kahit kanina pa nangangatog ang mga tuhod ko dahil sa kaba ay sinalubong ko rin ang galit nitong mga mata, na hindi mababakasan ng anumang emosyon. Kaya hindi mo mababasa ang mga kilos niya.

"B-babalik na po ako sa trabaho ko, Sir!" Sa wakas naibuka ko rin ang mga bibig ko. Pero nandoon parin sa tono ko ang nerbiyos.

Eh, karahap ko lang naman ang taong sinampal ko at ang taong nagmamay ari nitong tinatrabahuan ko. Ang taong magiging boss ko at hindi ko alam kung ano ang pinaplano niyang gawin sakin, kung bakit niya ako ginawang Secretary niya.

Siguro isa rin ito sa mga ganti niya sakin, na pahirapan ako sa trabaho hanggang sa sumuko ako at mag resign. Pero hindi ako papayag at basta basta nalang matanggal sa kompanyang ito. Kakayanin kahit ano pa ang ibibigay niyang trabaho sakin.

Dahil ito ang parusa ko sa ginawang pagsampal sa kanya. Na hindi ko naman sinasadya, nakitulong lang ako na akala ko ay nananakit siya ng babae. Pero ang pagtulong ko pala sa babaeng iyon ay ikapapahamak lang pala ng buhay ko.

Hindi pala siya minamaltrato kundi libog sa katawan ang hanap. Bakit ba nakapasok ang babaeng iyon? Ginawa pang motel ang kompanyang ito.

Hmm, siyempre, magagawa lahat ng lalaking ito dahil anak nga pala siya ng may ari at magiging kanya narin itong kompanya. May plano narin siya sigurong paalisin ako dito.

"Follow me in my office." Napaidtad ako nang marinig ang malalim niyang boses na agad akong tinalikuran at lumabas ng elevator. Napatingin ako sa button at nagulat nang nandito ako ngayon sa twenty first floor.

Grabe! Sobrang taas na ng kinaroroonan ko! Dito pala sa floor na ito ang executive office at alam kong may mas mataas pa dito at mayroon din rooftop.

Sana ay may pagkakataon akong maka akyat doon.

Huminga ako ng malalim at napabuga bago lumabas ng elevator. Napalibot ang tingin ko sa paligid na may malawak na espasyo.

Busy rin ang ibang mga staffs sa kanilang tungkulin na napapatingin sa akin habang lumalakad ako na kinailang ko. Mahahalata kasi sa mga mata nila na parang ayaw nila sakin at napansin ko rin na lahat sila ay pulos mga babae na ang iba ay hindi nalalayo ang edad sakin. Napayuko nalang ako at tinungo ang alam kong executive office.

Hunstman Series #:1- Lock in his ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon