Chapter thirty

77.8K 1.7K 114
                                    

Erinmay

Unconscious

Dalawang linggo nang walang malay si Conrado dito sa hospital. Kasama ko ngayon si Mrs. Catherine Hunstman ang kanyang Ina na nang malaman ang nangyari ay agad siyang lumipad dito sa Pilipinas at pinuntahan dito sa hospital si Conrado. Kasama niyang dumating dito ay si Mr. Colorado na seryoso ang mukha pero nandoon ang pag-aalala sa mga mata niya. Todo iyak ang kanyang Ina habang niyayakap si Conrado ng mahigpit. Habang ako ay sa gilid lang na tahimik na tumatanaw sa kanila.

Nakita kong tumayo si Mrs. Hunstman at lumapit dito sa kinauupuan ko.

"Erinmay right?" Naiilang na tumango ako sa kanya. Naupo siya sa tabi ko at hinawakan niya ang mga kamay ko na kinatingin ko sa kanya. Kahit may edad na siya ay maganda parin ang kanyang mukha at ramdam kong mabait siya at magaan ang loob ko sa kanya.

"O-opo Ma'am." Ngumiti siya kaya nahihiya pang ngumiti din ako. Isa siyang prinsesa sa kanyang bansa at kahit mataas ang kanyang antas ay nandoon sa kanya ang pagkumbaba na bihira sa mga katulad niyang maharlika. Mabait din siya at mapagmahal na magulang. Nakikita ko iyon sa kanyang mga mata. Sa paraan ng pag-aalaga niya kay Conrado.

"Just call me Mom or Mommy or whatever you want. I know how my son loves you." Napamaang ako sa kanyang sinabi. Nahihiyang napayuko ako at nilalaro ang mga daliri ko. Pero pagkaraan ay tinitigan ko si Conrado na payapang natutulog habang may oxygen sa kanyang bibig. Inoperahan siya at maraming dugo ang kinailangan niya para isalin sa kanya. Kung hindi naagapan ang pagdala niya dito ay ikinasawi iyon ng kanyang buhay. Buti nalang at ligtas na siya ngayon pero hindi pa nagkakamalay.

"N-naku nakakahiya po. Wala pa po kaming maayos na pag-uusap tungkol sa aming relasyon." Totoo naman ang sinabi ko. Nagkaaminan nga kami pero hindi ibig sabihin nun ay kami nang dalawa. Hindi pa naman siya nanliligaw sakin at hindi ko naman siya sinagot. Oo may anak na kaming isisilang ko pero walang maayos na usapan tungkol sa aming relasyon. Hindi man sa ayaw ko siyang tawagin na Ina ko pero nahihiya talaga ako at hindi sanay. Baka isipin pa ni Mr. Colorado ay inaabuso ko ang kabutihan ng kanyang asawa. Mapalad din si Conrado dahil may mabuti siyang Ina na mapagmahal.

Nagulat ako ng bigla niya akong niyakap ng mahigpit. Napapikit ako at napaluha sa paraan ng kanyang yakap sakin. Ramdam ko ang mainit niyang yakap katulad ng aking Ina. Naalala ko tuloy si Mama. Ganito din niya ako niyayakap. Sinusuklay ng kamay niya ang mahaba kong buhok para ako ay makatulog.

"Mama..." Wala sa sariling naisatinig ko. Natigil sa pagsuklay ng buhok ko si Mrs. Catherine sa nasabi ko. Kahit ako ay ganoon din. Pero saglit lang dahil itinuloy din niya ang ginagawa. Napahikbi na ako sa kanyang dibdib.

"I'm glad you called me your second Mother. I know how much you loved my son also. I can see it in your eyes. Please love my son and take care of him." Tumango tango ako sa kanyang pahayag.

Hindi ko namalayang nakatulog ako sa kanyang yakap. Nagising ako dito sa sofa bed. Bumangon ako at lumapit kay Conrado. Naupo ako sa kanyang tabi at hinawakan siya sa kamay. Ganoon parin ang kanyang ayos.

Conrado gumising ka na please! Hihintayin kita hanggang sa magising ka. Kailangan mong magising na diyan dahil ang dami mo pang dapat sabihin sakin. Sabi mo mahal mo ako? Pero ito ka at natutulog parin. Naghihintay kami ng anak mo!

Hunstman Series #:1- Lock in his ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon