Erinmay
Tamara
Napahagod ang tingin ko sa sarili dito sa salamin dahil pakiramdam ko ay tumaba na ako ng sobra. Kasabay ng paglubo ng tiyan ko ay pagtaba din ng katawan ko. Pakiramdam ko ay pumangit ako kaya hindi na ako pinapansin ni Conrado dahil wala na siyang oras sakin. Parati siyang busy at may inaasikaso daw siyang importanteng bagay kung kaya't kapag umuuwi siya ng bahay ay pagod. Kakain lang siya pagkatapos ay matutulog na. Ni hindi man lang nga ako nilalambing na ginagawa naman niya dati sakin.
Siguro nambabae siya kaya pagod. Pinagpalit na niya siguro ako sa mas maganda at sexy. Hindi ko naman magawang komprontahin siya dahil hindi naman kami kasado at mag live-in lang ang pakiramdam ko. Iyon naman talaga eh. Kahit gustong gusto ko nang magwala ay pinigilan ko. Tahimik nalang akong umiiyak sa isang sulok dahil pakiramdam ko ay hindi na niya ako mahal.
Gusto na ba niya akong hiwalayan? Hindi ko kaya!
Kinalma ko ang aking sarili sabay upo sa kama. Nahihilo ako sa kakaisip ng ano ano kaya iwinaksi ko ang mga iyon. Napahalos ako sa umbok ng tiyan ko. Nasa six months na ako at kahapon lang nalaman kong puro lalaki ang anak namin ni Conrado. Sinamahan ako ni Mama Catherine kaya siya ang unang nakakaalam at tuwang tuwa din siya sa nalaman. Sabi pa niya na ang mga anak namin ang magpaparami at magpapatuloy ng lahi ng mga Hunstman. Ganoon din sa negosyo.
Nagpahinga ako saglit bago bumaba at nagtungo sa garden. Gusto kong makasagap ng sariwang hangin at makapag-isip ng payapa. Nais kong kalimutan ang mga gumugulo ngayon sa isipan ko. Pero hindi ko hahayaan na mangyari iyon. Hindi ko hahayaan na gawin sakin iyon ni Conrado.
Napalanghap ako hangin at nalalanghap ko ang mga mababangong bulaklak na nagpangiti sakin. Mabuti pa sila magkasama parati. Namumukadkad ng maganda.
"You bitch! How dare you to stole Conrado from me!?" Nabigla ako nang bigla akong sinampal ni Maam Tamara na hindi ko napansin. Napaling ang mukha ko at namanhid sa lakas ng kanyang pagkasampal. Bumaon pa yata sa pisngi ko ang matulis niyang kuko. Napahawak ako sa pisngi na sinampal niya. May nakita akong bahid ng dugo sa kamay ko pero pinalis ko lang iyon gamit ang likod ng kamay ko bago tumingin sa kanya na masama at nanlilisik ang mga mata. Naalarma ako dahil sa titig niyang iyon. Alam kong hindi siya gagawa ng maganda.
"How can you do this to me! I thought your a nice girl before but I got wrong because your a slut! A bitch!" Agad niya akong sinabunutan sa buhok na pilit ko naman inaawat pero dahil buntis ako at mas malakas siya sakin. Napapadaing ako sa sakit sa anit ko at walang tigil siya sa ginagawa.
"T-tama na po Maam Tamara!M-maawa po kayo sakin buntis ako!" Pilit kong tinatanggal ang kamay niya sa buhok ko pero lalo lang niyang dinidiin at pakiramdam ko ay matatanggal na ang buhok ko.
"No! I want you to die and your child! Bitch!" Naghihisterikal na niyang sigaw at tinulak ako na kinalaki ng mga mata ko. Napapikit akong napahawak sa tiyan ko nang maramdaman kong may humapit sa bewang ko.
Napamulat ako at nag-alalang mukha ni Conrado ang nakasalubong ko."C-conrado.." Napasubsob ang mukha ko sa kanyang dibdib at mahigpit siyang niyakap. Todo ang pasasalamat kong niligtas niya kami ng mga anak niya. Mahigpit din ang yakap niya sakin. Pakiramdam ko safe na kami.
"Get out of here Tamara before I forgot myself and will kill you." Seryoso at madiin niyang bigkas kay Maam Tamara na nakita kong nanlalaki ang mga mata pero maya maya ay akma siyang lalapit kay Conrado pero sumenyas siya kay Tamara na huwag lumapit.
![](https://img.wattpad.com/cover/184512189-288-k405842.jpg)
BINABASA MO ANG
Hunstman Series #:1- Lock in his Arms
General FictionConrado Hunstman. Son of a mafia lord "Walang ibang lalaki ang aangkin ng katawan mo kundi ako lang! Tandaan mo iyan!" Mapanganib na banta mula sa binatang Hunstman. Ang binatang baliw at handang pumatay makuha lang ang walang kamuwang na dalaga. An...