Chapter six

99.8K 2.3K 254
                                    

Erinmay

Meet his Dad

Ramdam kong nakatayo parin ang lalaki na alam kong tinitigan kami dahil sa lakas ng presensya niya. Nagtaka ako bigla nang marinig namin ang malakas niyang tawa na lalong kinamura ng lalaking nakayakap sakin

"Fuck! Dad! Get out!" Napapikit ako dahil alam kong galit na galit na siya at dama ko ang bilis ng tibok ng puso niya pati ang pamumuo ng mga ugat niya sa braso. Nakaramdam din ako ng kaba dahil tama nga ang narinig ko na ama pala niya ang bagong dating.

Ang may- ari nitong kompanyang pinagtatrabahuan ko. Asahan mong tanggal ka na sa trabaho mo, Erinmay!

"Son. Use the bed not the
chair—"

"Dad!"

"Okay. Okay, Son. I'll go outside." Narinig ko ang tunog ng sapatos nito na paalis na ganoon din ang iba. At hindi ko alam kung nakita din ba kami ng mga empleyado sa labas. Mariin akong napapikit. Wala na akong maihaharap pang mukha dahil sa katangahan ko.

"Fuck my Dad! And those bastards! They've entered my office without my permission! Humanda sila sakin mamaya!" Kanina ko pa naririnig ang kanyang mga pagmumura habang pangko niya ako at may binuksan siyang pinto na dito lang sa loob ng office niya.

Wala na rin akong lakas na tumutol pa dahil sa ginawa niya kanina at dahil sa nahihiya akong lumabas at makita ang ganito kong ayos. Nang pumasok kami sa loob ay inilapag niya agad ako sa kama, sa malaking kama na sobrang lambot.

Napalibot ang tingin ko sa paligid na napipinturahan ng puti ang buong paligid pati ang kama. May mahabang kurtina ang nakatakip sa pader sa gilid ng kama.

Napatingin ako sa kanya nang halikan niya ako sa noo, pababa sa labi ko na agad kong kinaiwas na kinabuntong hininga niya.

Lumayo ako sa kanya at kinuha ko ang kumot ng kama at itinakip sa hubad kong pang itaas habang naka-upo ako at isinubsob ko ang mukha sa mga tuhod ko habang may mga luhang kumawala sa mga mata ko.

Ayoko ko siyang tingnan dahil wala na akong maihaharap na mukha sa kanya. Hindi ko na siya kayang tingnan dahil kung titingin ako ay baka makita ko lang sa mga mata niya ang tagumpay ng paghiganti niya sakin at sa pagkatao ko.

Kahit sabihin pang hindi niya ako lubos naangkin na pinagsalamat ko pero namarkahan na ng labi niya ang katawan ko.

Narinig kong muli ang pagbuntong hininga niya. May narinig naman ako bigla ng pagbukas sa isang bagay na hindi ko na pinansin dahil patuloy akong umiiyak.

"Isuot mo muna ito. Bibilhan kita mamaya ng isusuot mo. Just stay here. I need to see my Dad. Wait me here." Hindi maaari! Kailangan kong magtrabaho!

Agad akong nagtaas ng tingin at tinitigan siya na kinamura at kunot noo niya ng makita ang mukha ko. Ngayon ko lang naalala na umiiyak pala ako kaya marahas kong pinahid ang mga luha ko pati sa ilong dahil may tumulong tubig galing sa ilong ko.

Kita ko rin na medyo ngumiti siya pero agad din niya akong nilapitan at niyakap ng mahigpit bago niya ako hinarap sa kanya.

"Fuck! Why are you crying? Are you sick? Do you feel pain? Where?" Napailing ako sa sunod sunod niyang tanong sakin. Kita ko sa mga mata niya ang pag alala. Pero baka nagkamali lang ako.

Nilakasan ko ang loob na tumingin din sa kanya. Kahit naiilang ako sa katawan niyang hubad baro sa itaas. Umiinit ang mukha ko sa hiya.

Ngayon ka pa nahiya ha, Erinmay? Matapos niyang pagsawaan ang mga dibdib mo?

Hunstman Series #:1- Lock in his ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon