Erinmay
Rose and chocolates
Nakapagpaligo narin ako sa wakas at medyo gumaan ang pakiramdam ko. Nakatulong ang mainit na tubig sa nananakit kong katawan. At kitang kita ko nga pati pala leeg ko ay binilinan ng marka ni Conrado.
Hiyang hiya tuloy ako sa mga taong nakasalamuha ko. Naitirintas ko kanina ang buhok ko at hindi na nagawa pang tumingin sa salamin dahil sa pagmamadali ko.
Sigurado akong napansin ito ni Mr Colorado at Miguel kanina.
Kaya pala pinagbantaan ako ni Mr. Colorado dahil alam niya ang nangyari. Si Miguel naman ay tinatanong kung sino ang kasama ko. Dahil lang pala sa nakita niya sa leeg ko.
Napasabunot ako sa buhok dahil sa sobrang kahihiyang nagawa ko. Sa pagpabaya sa sarili ko.
Nawala lang ang virginity ko ay nakalimot agad ako sa sarili ko.
Ano nalang ang sasabihin ng mga tao sa'kin at mas ang iisipin ni Kuya tungkol sa'kin. Natatakot akong malaman niya ang ginawa ko sa sarili. Ang pagbigay ng sarili ko sa hindi ko asawa.
Nandito ako ngayon sa silid ko at nagpapatuyo ng buhok. Buti nalang din ay hindi pa ako kinakausap ni Kuya tungkol sa pag-uwi ko. Tahimik lang siya pero alam kong galit na iyon at tinitimpi lang niya sa kanyang sarili.
Kilala ko si Kuya kapag galit siya ay sinasarili lang niya. Kakausapin ka lang niya kung lilipas na ang galit na tinitimpi niya. Doon na siya magtatanong.
Napabuntong hininga ako sa kawalan. Biglang pumasok sa isip ko si Conrado. Siguradong alam na niya na umalis ako. Pero aaminin kong namimiss ko siya ng sobra parang ang tagal kong hindi siya nakita. Nagdadalamhati din ang puso ko. Gusto na nitong makita si Conrado.
Tinamaan na talaga ako sayo, Conrado.
Nang matuyo na ang buhok ko ay humilata na ako sa kama. Nagdasal muna bago matulog.
Dahil sa pagod ay agad akong nakatulog pero isa lang ang nasa isip ko. Si Conrado Hunstman.
KINABUKASAN ay tinanghali ako ng gising. Paglabas ko ng silid ay nakabihis na ng kanilang uniform ang mga bata at nag-aalmusal na. Tinawag ako ni Ate Tina nang makita ako. Sabay naman bumati sa'kin ang tatlo.
"Good morning po, Nanay Erinmay!"
"Halika ka na dito mag-almusal ka na rin." Lumapit ako sa kanila at naupo at naglagay ng pagkain sa plato ko nang kunan niya ako ng pinggan.
"S-si Kuya po?" Nahihiya ko pang tanong sa kanya.
"Nasa trabaho na kanina pa iyon umalis." Tumango nalang ako at tinuloy ang pagkain. Isang construction worker si Kuya kaya maaga parati ang kanyang alis. Dahil sa kanyang trabaho ay nakapag-aral ako at nakataguyod ng kanyang pamilya. Maliit ang kanyang sahod kaya rumarakit siya kung saan may nagpapagawa ng bagong bahay.
"Ikaw na muna ang bahala sa bahay, Erinmay. Ihahatid ko lang ang mga pamangkin mo."
"Ako na ang maghahatid sa kanila, Ate Tin." Agad kong sabi sa kanya na kinatingin niya sa'kin. Hindi naman kalayuan ang paaralan dito na pwede ngang lakarin. Nilalakad ko nga noong Elementary pa ako.
"Ayos lang ba sayo, Erinmay? Baka mainip ka lang dun." Tumango ako sa kanya sabay iling. Gusto ko rin makita ang alma matter ko at gusto ko rin pumayapa ang isipan.
BINABASA MO ANG
Hunstman Series #:1- Lock in his Arms
Ficción GeneralConrado Hunstman. Son of a mafia lord "Walang ibang lalaki ang aangkin ng katawan mo kundi ako lang! Tandaan mo iyan!" Mapanganib na banta mula sa binatang Hunstman. Ang binatang baliw at handang pumatay makuha lang ang walang kamuwang na dalaga. An...