Chapter twenty nine

79.1K 1.7K 36
                                    

Erinmay

Confession

Walang tigil ang mga luha kong lumalandas sa aking mukha. Walang tigil din sa pagtakbo ang kanyang sasakyan. Ilang oras nang tinatahak namin ang mahabang daan na pakiramdam ko ay wala nang katapusan. Katulad sa mga luha kong hindi na natatapos. Tahimik lang din kaming pareho sa loob at tanging paghinga niya at paghikbi ko ang maririnig sa loob ng sasakyan. Pilitin ko man huwag maiyak ay hindi ko kaya sa isiping iniwan ko doon si Kuya sa gitna ng daan na walang kalaban laban sa kanyang mga Bodyguards.

Naiinis ako sayo Conrado!

Basta nalang siyang magpapakita at ito pa ang ginawa niya? Basta nalang niya akong kinuha sa pamilya ko at hindi magpapaalam? Sino ba naman ang hindi magagalit nun?

Nakita ko sa gilid ng aking kaliwang mata na sinulyapan niya ako. Napansin ko din na mapahigpit ang kapit ng kanyang mga kamay sa manibela.

"Stop crying." Siya pa ang may ganang sitahin ako eh siya nga ang rason kung bakit ako umiiyak ngayon. Masama ang sulyap ko sa kanya bago inirapan. Narinig ko nalang ang malalim niyang paghinga.

SA HABA ng aming biyahe ay napansin kong pasulyap sulyap si Conrado sa salaming nakasabit sa harap ng manibela. Napansin ko din ang pagbilis ng takbo ng sasakyan. Kung hindi siguro ako nakaseatbelt ay kanina pa ako sumubsob sa unahan. Akala mo'y may humahabol samin.

Ganun nalang ang tili ko nang mayroon ngang sumusunod na dalawang itim na sasakyan na nasa kanan at kaliwa namin. Pinapagitnaan ang aming sasakyan at ginigiit nila ito.

"Conrado!" Nahintakutan kong sigaw ng muntik nang mahulog sa bangin ang sasakyan. Napakapit ako nang mahigpit sa upuan ko nang hawakan ng mahigpit ni Conrado ang kamay ko. Mainit ang palad niya na nagbigay sakin ng kalmadong pakiramdam.

"Don't worry Hon. I'll protected you no matter what." Kalamdo parin ang tono ng kanyang pananalita kahit nasa panganib na kami. Iyon ang nagbigay sakin ng pag-asa na hindi niya kami pababayaan ng kanyang anak.

Tumango ako sa kanya bago niya hinalikan ang likod ng kamay ko.

Nakita kong binabaril na ng sumusunod samin ang sasakyan. Kahit bullet proof ay ramdam ko parin ang balang tumatama sa sasakyan.

"C-conrado! B-binabaril na tayo! Ayoko pang mamatay pati ang anak natin! Gumawa ka ng paraan!" Hysterical ko nang utos sa kanya na kinangiti niya sabay dukwang niya at halik sa labi ko nang matagal. Napaungol ako nang sipsipin niya ang ibabang labi ko.

Napalanghap ako ng hangin ng pakawalan na niya ang labi ko. Kinapusan din ako ng hangin sa paraan ng pag-angkin sa labi ko.

"Yes Master!" Parang tulad ng unang pagsakay ko dito ay nangyari na ito. Ganito din kasi hinahabol kami at binabaril. Pero alam kong hindi sila uurungan ni Conrado dahil ang lalaking mahal ko ay walang inaatrasang laban.

Ini-on niya ang automatic drive ng sasakyan bago niya kinuha ang mga baril na mukhang mamahalin pa. Nagbukas ang ibabaw ng bubong at lumusot siya kasabay ng pagpapaputok niya sa mga kalaban.

Natingnan ko ang mga sumusunod samin at nakita kong nagpapalitan sila ng putok ni Conrado. Maraming sakay na mga armadong lalaki ang dalawang van. Pawang nakasuot ng itim at alam kong kabilang sila doon sa Dark Market na pinuntahan namin ni Conrado. Ganyan kasi ang suot ng ibang mga Bodyguards ng kilalang mga tao sa lipunan.

Sigurado akong si Conrado ang habol nila at gustong patayin dahil kilala rin ang Hunstman sa isa sa pinakamayaman at makapangyarihang angkan sa buong bansa maski sa buong mundo. Nagresearch ako tungkol sa pamilya ni Conrado kaya alam ko. Nahirapan pa ako sa paghanap dahil kilalang pribadong tao si Mr. Colorado Hunstman. Pero nagsiyasat akong mabuti at may nalaman ako. At isa sa nalaman ko tungkol sa kanilang pamilya ay mayroon silang factory ng mga pinagbabawal na gamot sa buong panig ng mundo. Nalaman ko din na isang drug lord ang kanyang ama. Kinatatakutan din si Mr. Colorado Hunstman sa Dark Market kung saan kabilang ang mga Mafia na isa't isa sa kanila ay nagpapatayan. Kapwa nila Mafia na kabilang sa Dark Market ay pinapatay nila. Kumbaga, matira ang matibay.

Hunstman Series #:1- Lock in his ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon