Chapter thirty four

75.2K 1.5K 28
                                    

Erinmay

Unexpected

Sumusubo ako ng pakwan dito sa sala nang dumating si Mama Catherine. May kasama siyang dalawang babae na hindi pamilyar sakin. Malapad ang kanyang ngiti habang papalapit sakin kaya napatayo ako at sinalubong siya ng yakap.

"Magandanang umaga po Ma."

"Good morning din Iha. May dala akong mga make-up artist para ayusan ka." Nagtatanong ang mga mata ko habang inaakay niya ako patungong silid namin ni Conrado. Magtatanong pa sana ako sa kanya pero inutusan niya ang dalawang make-up artist daw na ayusan ako pagpasok namin ng silid.

"Maam, ipikit lang po ninyo ang inyong mga mata." Kahit naguguluhan parin sa mga nangyayari ay sinunod ko nalang ang inuutos nila habang panay ang lagay ng kung ano ano sa mukha ko. Pati buhok ko ay inaayos din nila. Nasa gilid lang si Mama at parang excited siya sa mga nangyayari.

Ilang minuto ako sa ganoon nang sa wakas ay sinabihan nila akong pwede ko nang idilat ang mga mata ko kaya ginawa ko.

"Wow Iha! Lalo kang gumanda!" Natitilihang lumapit si Mama habang pinagmamasdan ako na kinahiya ko naman. Napaiwas ako at natuon ang tingin ko sa salamin. Napakurap ako sa nakikita ko ngayon sa salamin.

Ako ba'to?

Ibang iba ang mukha ko at lalo yatang tumingkad ang ganda ko. Light lang ang make-up ko at nude ang lipstick ko pero dumagdag iyon sa natural kong ganda. Ang buhok ko ay maganda din ang pagkakaayos na binagay sa mukha ko. Ngayon ko lang yata napuri ang sarili ko. Napangiti nalang ako sa naisip.

"Next naman ang dress." Natingnan ko ang isang babae na may kinuha sa isang nakasilid na plastic na isang kulay puti na gown na sobrang ganda. Kumikinang ang mga dyamante na nakakabit sa bandang itaas ng damit. Sa ilalim ay may ganoon din. Ang ganda sobra!

"A-ano pong mayroon Ma?" Naguguluhan ko nang tanong pero biglas bumilis ang tibok ng puso ko habang pinagmamasdan ang gown.

"Basta! Malalaman mo rin Iha." Sumenyas siyang ipasuot na sakin ang gown kaya kahit naiilang ay hinubad ko ang aking damit maliban sa panty ko nang iutos iyon ni Mama Catherine. No need na din daw magbra. Ilang sandali lang ay suot ko na ang gown. Namamanghang natingnan ko ang aking sarili sa salamin. Parang ikakasal ako.

Natigilan ako sa isiping iyon. Lalong kumabog sa kaba ang puso ko. Napahaplos ang kamay ko sa maputing tela na sobrang lambot. Masarap sa katawan ang lambot ng tela at mabango din. Sinuotan din nila ako ng kulay silver na sandals na hindi masyado mataas ang takong para hindi ako matapilok.

"You look great Iha! So, let's go?" Inalalayan ako ni Mama Catherine sa pagbaba namin habang hawak ng isa naman ang gown ko. Mahaba kasi.

HINDI maitago ang kabang nararamdaman ko habang nakasakay ako dito sa bridal car. Ako lang dito sa likod nakaupo habang si Kuya Lesh ang nagmamaneho na gwapong gwapo din sa kanyang suot. Kapag tinatanong ko siya kung nasaan si Conrado at anong meron kahit may kutob na ako ay ngiti lang ang sinasagot niya sakin na kinatahimik ko nalang.
Obvious naman siguro ang sagot Erinmay.

Kahit na. Gusto kong makasigurado kung totoo ba ito o baka panaginip lang.

Lalo akong naghinala na sa isang simbahan kami huminto. Maraming sasakyan ang naka- park pero walang tao sa paligid at nakasarado pa ang pinto. Nagbukas ang pinto ko sa gilid at nakangiting mukha ni Kuya Lesh ang bumungad sakin na inalalayan ako palabas ng sasakyan.

"A-ano ba kasi ang pakulong ito Kuya.." Hindi siya sumagot kaya tinuon ko nalang ang tingin sa unahan ko habang paakyat kami ng simbahan. Nagtaka ako nang nasa pinto na ako ay wala na si Kuya Lesh sa tabi ko.

Ilang minuto akong nakatayo dito sa pinto nang bigla iyong bumukas. Nagulat ako sa nakita ko sa loob. Nadidisenyuhan ng kulay puti ang buong paligid habang may magagandang mga bulaklak ang nasa gilid ng bawat upuan. Mayroon sa itaas na parang nakahanger. Mayroon din sa gitna patungong altar. Mayroon pang red carpet sa gitna mula sa kinatatayuan ko paunahan. Hindi lang iyon dahil lahat ng mga ng taong nandito sa loob ay nakatingin sakin ngayon na kinailang ko pa. Pero bigla akong naluha nang makita ang Kuya Lino ko na nakatuxedo habang nilalahad ang isang braso sakin. Nandoon din ang tatlo kong pamangkin na nakasuot din ng pormal na damit. Habang may mga dala sila sa kanilang kamay.

Naluluhang napakapit ako kay Kuya Lino na pinahid ang mga luha ko.

"Huwag kang umiyak Erinmay, sige ka papangit ka niyan." Ngumiti ako sabay tango sa kanya. Hindi ko alam ang sasabihin ko ngayon dahil nabibigla ako sa nangyayari.

Napansin kong nag-umpisa na ang seremonya nang marinig ko ang malamyos na awitin na nagmumula sa unahan. Bumagal na humahakbang ang mga pamangkin ko habang sinasabuyan ni Micmic at Tonton ang paligid ng bulaklak. Kasunod nila ang ilang kapareha na nagmartsa sa gitna at nakita ko doon si Kuya Stone na kapareha si Maam Tamara na kinagulat ko pero lihim akong napangiti dahil alam kong inaasar siya ni Kuya at kita ko iyon sa mukha ni Maam Tamara ang inis. May napapansin ako sa dalawa sa totoo lang. Bagay sila.

Kasunod na kami habang kumakapit ako sa braso ni Kuya Lino. Pakiramdam ko ay para akong isang prinsesa na lumalakad sa gitna ng napakahabang hagdan patungo sa aking prinsepe.

Lalong pumintig ng mabilis ang puso ko kasabay ng pagluha ko nang masilayan ko ang matiim niyang mga mata na nakatitig na ngayon sakin habang papalapit ako sa kanya. Ang aking prinsepe na nakasuot ng napakagandang kasuotan na puti na lalong dumagdag sa taglay niyang kagwapuhan at kakisigan. Hindi niya ako nilulubayan ng titig hanggang sa nasa tapat ko na siya. Nagyakapan sila ni Kuya at nagbulungan habang ako ay mahigpit na niyakap ni Mama Catherine at hinalikan sakin pisngi. Ganoon din ang ginawa ni Daddy Colorado sakin.

Ngayon ay kaharap ko na ang lalaking mahal ko. Nagulat ako nang bigla siyang lumuhod sa harap ko sabay lahad niya ng isang kumikinang na singsing.

"Erinmay Amares, will you marry me now?" Sinamaan ko siya ng tingin dahil binigla ako ng lalaking ito at hindi man lang nag-abiso. Agaran agad. Nakita ko sa mukha niya na parang kinakabahan yata siya dahil ang tagal kong sumagot. Tumikhim na nga si Daddy Colorado.

Ngumiti ako sa kanya bago tumango tango habang walang tigil ang mga luha ko. Siguro pangit nang tingnan ang mukha ko.

"Yes Conrado! Kahit binigla mo ako loko ka." Lumapad ang pagkakangiti niya habang sinusuotan niya ng singsing ang daliri ko. Narinig ko din ang pagtawa ng mga bisita. Hinawi niya ang veil ko at hinalikan ako sa labi. Lihim ko naman siyang kinurot sa kanyang tagiliran pero agad din niyang hinuli at hawak kamay kaming pumunta sa gitna ng altar sa naghihintay na pari.

"Ngayong araw na ito ay masasaksihan natin ang pag-iisang dibdib ni Conrado Hunstman kay Erinmay Amares na saksi ang Diyos sa kanilang pagmamahalan." Sobrang higpit na hinawakan ako ni Conrado sakin kamay. Damang dama ko ang init ng aming mga palad. Ito ang araw na matagal ko nang hinihintay. Ang araw na makasal ako sa lalaking kaharap ko ngayon. Ang lalaki na itinadhana ng Diyos para sakin.

Ang lalaking mamahalin ko hanggang sa dulo ng walang hanggan.

—ITUTULOY—

***
Please votes, comments and share. Thank you.

MAYAMBAY.

Hunstman Series #:1- Lock in his ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon