Chapter fourteen

90.9K 2K 27
                                    

Erinmay

His Lips

"Pre, ang kinis naman ng babaeng ito. Masarap tikman!" Nagimbal akong napatampal sa kamay nung katabi kong lalaki na hinimas ang braso ko. Kakaiba ang ngisi niya habang nakatingin sa mga hita ko na maigi kong pinagdikit. Mabuti nalang at may suot akong stocking kaya hindi ako makikitaan. Pero nasa panganib parin ako laban sa mga kumidnap sakin.

"Mamaya, matitikman niyo siya. Huwag ngayon. Wala pa tayo sa hide-out!" Sabi nung lalaki na nagmamaneho. Agad silang humiyaw at nag apiran ng marinig nila iyon. Kinilabutan ako sa mga sinasabi nila na agad kong niyakap ang sarili ko.

Hindi ko rin alam kung ilang oras na akong umiiyak. Ramdam ko narin ang pamamaga ng aking mga mata dala ng walang tigil ng aking pagluha. Hindi narin ako nanlaban pa dahil wala namang silbi at isa pa may hawak silang mga baril na isang maling galaw ko lang ay mapapatay nila ako. Napansin ko rin medyo malayo na ang naging biyahe at mga bakanteng lote ang aming madadaanan.

Maya maya ay bigla silang naalarma at napatili nalang ako ng makarinig ng mga paputok. Napatakip ako sa magkabilang tenga ko dahil sa ingay ng baril na malapit lang sakin. Nagpagiwang giwang narin ang sasakyan na kinakapit ko nang maigi sa upuan.

Napasigaw ako sa takot nang bumulagta sakin ang nakadilat na mga mata nung lalaking nambastos sakin. Duguan ang kanyang noo at patay na siya. Huminto nadin ang sasakyan at patuloy parin ang barilan na may tatlo nang patay sa kanila na lahat ay nasa noo ang tama.

"Aray ko!" Napahiyaw ako sa sakit nang marahas akong hilahin pababa na kinatama ng kanan kong pisngi sa pinto. Namanhid pa yata ang pisngi ko. Agad akong hinawakan nang isa sa leeg at tinutukan ako ng baril na kinangiwi at laki ng mga mata ko. Napapikit nalang ako sa takot kong mamatay.

Dito nalang ba ang hangganan ko?

"Paalisin niyo kami! Kung gusto mo pa mabuhay ang babaeng ito!" Mas lalo pa nitong hinigpitan ang hawak sa leeg ko na kinaubo ko na sa kawalan ng hangin.

"Isa!.. Dalawa!.. Tat—" Napatili uli ako nang makarinig ng isang putok kasabay din ng pagkalas ng may hawak saking leeg na kinahinga ko ng sunod sunod.

Nanginginig ang katawan ko sa sobrang takot at gusto nang bumigay ng mga paa ko sakto namang may yumakap sakin at bigla akong pinangko.

Agad akong nagpupumiglas at dahil nakapikit parin ako ay hindi ko makita kung sino ang may hawak sakin pero nang malanghap ko ang pamilyar niyang pabango ay unti unti akong dumilat.

Hanggang sa masilayan ko na ang gwapo at seryoso niyang mukha na nakatunghay din sakin ay kusang tumigil ang panlalaban ko. Kusa ring napaangat ang isa kong kamay pahaplos sa kanyang mukha.

"C- conrado..." Bigkas ko sa kanyang pangalan.

Kasabay din nun ay biglang dumilim ang paningin ko.

MASAKIT ang aking mga mata nang unti unti akong dumilat. Medyo nahihilo din ako.

Biglang pumasok sa alaala ko ang nangyari. Ang muntik ko nang mapahamak at ang pagtulong sakin ni Conrado.

Naaamoy kong muli ang familiar na bango ng hinihigaan ko.  Babangon na sana ako nang matigilan ako. Nakayakap sakin si Conrado habang nakahilig ang ulo niya sa leeg ko. Nakayakap din ang mga binti niya sa paa ko.

Hunstman Series #:1- Lock in his ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon