Erinmay
Dark Market
"So, what is your decision, Mr. Hunstman?" Tanong agad ni Mr. Natividad kay Conrado nang matapos ang kanilang pag-uusap.
Isang kilalang brand ng sasakyan na nagbebenta ang pagmamay-ari ni Mr. Natividad at gusto niya na sa Hunstman Global Marketing mangagaling ang mga parts sa kanyang mga sasakyan na binebenta. Humihingi din ng ten percent discounts sa bawat sasakyan si Mr. Natividad.
"Deal." Malawak ang pagkakangisi ng mag-ama na agad kinamayan si Conrado. Habang ang malanding Ericka ay hinalikan naman sa magkabilang pisngi si Conrado na hindi man lang umangal.
Kunsabagay, maganda at sexy nga itong si Ericka, pero mas maganda parin si Miss Tamara sa kanya.
Eh ikaw, hindi mo icocompare ang sarili mo sa kanilang dalawa?
Lihim kong natingnan ang sarili ko. Ano naman ang maipagmamalaki ko sa kanilang dalawa? Pandak na, maliit pa ang dibdib.
"What about dinner tonight in my place, Conrado?" Napabaling agad ang tingin ko kay Conrado dahil may kahulugan ang paanyaya sa kanya ng babaeng ito.
Nakatingin siya kay Ericka bago niya ako tinitigan. Hindi ko mabasa ang pinapahiwatig ng kanyang mga mata. Siguro sasama siya sa Erickang iyon.
Iniisip ko palang ang gagawin nila sa bahay ng babae ay may tumusok na agad sa kaliwang dibdib ko. Hindi ko lubos maisip na ang ginagawa sakin ni Conrado noon ay gagawin din niya kay Ericka, or worst nagawa na niya kay Tamara.
Eh bakit hindi, girlfriend niya naman si Tamara. May girlfriend na nga siya nakikdilandi pa sa Erickang ito.
"No. I have business to deal. Let's go, Erinmay." Lihim kong pinandilatan si Ericka na hindi makapaniwala ang itsura dahil sa pagtanggi ni Conrado sa kanya.
Buti nga!
Sinilid ko na ang mga gamit ko sa bag at sumunod kay Conrado na nauna nang lumakad. Binilisan ko na ang paglakad para maabutan ko siya, sakto naman na binuksan niya uli ang pinto ng sasakyan para sakin.
Napalinga pa ako sa paligid dahil kanina ko pa napapansin na wala ang kanyang mga Bodyguards.
"What are you looking for?" Napabaling ako sa kanya nang sitahin niya ako. Nakakunot na naman ang kanyang noo.
"A-ah... Ano kasi Sir, hindi ko po yata nakita ang mga Bodyguards niyo?"
"Tsk. Get inside. Don't bother them." Pasuplado niyang sabi na hindi ako sinagot. Pumasok nalang ako at ganoon din siya.
Isinauli ko nadin sa kanya ang kanyang cellphone. Gusto kong magtanong sa kanya kung bakit may ganito siya sa kanyang cellphone, pero nangunahan ako ng takot at kaba kaya tumahimik nalang ako.
Naging tahimik muli ang biyahe namin na tinuon ko nalang ang pansin ko sa labas. Pero maya maya ay nagtaka ako dahil iba ang daan na tinatahak namin. Hindi ito pabalik sa Hunstman building.
Binalingan ko siya na sa unahan lang ang kanyang tingin.
"Sir, may kameeting pa po ba kayong pupuntahan?" Saglit lang niya akong sinulyapan at sa unahan muli ang kanyang atensyon.
"Dad wants to talk to me." Iyon lang ang kanyang sinabi kaya hindi na ako nagtanong pa. Tumahimik nalang akong muli at itinuon sa labas ang pansin ko.
BINABASA MO ANG
Hunstman Series #:1- Lock in his Arms
General FictionConrado Hunstman. Son of a mafia lord "Walang ibang lalaki ang aangkin ng katawan mo kundi ako lang! Tandaan mo iyan!" Mapanganib na banta mula sa binatang Hunstman. Ang binatang baliw at handang pumatay makuha lang ang walang kamuwang na dalaga. An...