Chapter ten

91.9K 2.2K 55
                                    

Erinmay

Jealous

Napamulat ako ng aking mga mata nang makaramdam ako ng pagkulo sa aking sikmura. Pero sa pagmulat ko ay napalaki ang aking mga mata nang masilayan ko na ang paligid.

Napabangon ako at ganoon nalang ang gulat ko nang makita ang suot kong damit. Nakasuot ako ng malaking T-shirt na tanging bra at panty lang ang suot kong damit sa loob ng T-shirt ko! Nalanghap ko ang amoy ng suot kong T-shirt at alam ko kung sino ang may ari nito.

Conrado Hunstman!

Rumihistro lahat nang nangyari sa isipan ko. Ang walanghiya! Alam kong may ginawa siya sakin kung bakit ako nawalan nang malay at siguro sa kanya din itong kwarto. Panlalaki kasi ang ayos at sobrang lawak pa. Sobrang lamig din dito na siguro nakafull ang aircon niya.

Kailangan ko nang makalabas dito. Pero paano ako lalabas kung ganito ang ayos ko? Alam kong kita na ang kalukuwa ko dahil sa suot kong t-shirt na manipis ang tela.

Sinadya kaya nang lalaking iyon? Para hindi ako makaalis?

Ang sama niya talaga!

Dinamay pa niya ako na kinalagay ng buhay ko sa kapahamakan. Alam kong kilala niya ang mga taong iyon. Siya ang pakay at gusto siyang patayin ng mga taong iyon. Pero hindi sila nagtagumpay dahil mautak at magaling din makipaglaban ang lalaking iyon. Napatumba nga niya lahat nang nakasunod samin. Lahat nang binabaril niya ay sa ulo ang tama. Napatingin kasi ako kanina ng hindi ko sinasadya.

Umalis ako sa kama at hinanap ang mga paper bags pero wala pati narin ang suot kong bestida ay wala.

Hay, naku naman! Gutom na nga ako. Wala pa ang mga damit ko.

Ayoko naman magbukas ng mga pinto dito at maghanap ng disenteng maisusuot dahil takot ako sa kanya baka isipin pa niyang magnanakaw ako at ibitin akong patiwarik.

Napabuntong hininga ako bago naupo sa malaking kama. Kung lalabas naman ako baka maligaw pa ako dahil hindi ko kabisado itong lugar. Anong oras na kaya?

Napalibot ako sa paligid baka may makita akong orasan. Hindi ko rin kasi mahanap ang bag at cellphone ko. Naiwan yata doon sa opisina niya. May nakita akong alarm clock na nasa ibabaw ng lamesa. Napalaki ang mga mata ko dahil alas otso na nang gabi. Ilang oras din pala akong nakatulog.

Napatingin ako bigla sa pinto nang bumukas ito. Iniluwa ang taong ayokong makita. Seryoso ang kanyang mukha na tumitig sakin bago niya pinasadahan ng tingin ang dibdib ko pati mga hita ko. Tinakpan ko naman agad nang mga braso ko ang dibdid ko at pinagdikit ko nang maigi ang mga hita ko. Ang manyak talaga!

"Lets eat."

Humalukipkip siyang nakatayo  sa pinto habang pinagmamasdan ako. Nakasuot siya ng sando na puti at tanging boxer lang din ang suot niya sa ibaba. Umiwas agad ako ng tingin doon at biglang uminit ang mukha ko nang makita ko naman ang bagay na iyon. Ang bagay na hindi mawala sa isipan ko. Ang isipan kong nabahiran nang dumi dahil sa kanya.

"G-gusto ko nang umuwi. Paki-usap." Kahit alam kong magagalit naman siya ay sinubukan ko parin. Hindi siya umimik na seryoso parin ang tingin sakin.

"Let's eat. Don't repeat it myself. Fix yourself. Im waiting you in the table." Sinamaan ko nang tingin ang pintong nilabasan niya. Kung lalaki lang siguro ako kanina ko pa siya sinuntok. Ang sama niya! Wala siyang karapatan na ikulong ako dito dahil hindi niya ako pagmamay-ari.

Hunstman Series #:1- Lock in his ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon