Erinmay
Warning: SPG
Unite as one
Hindi ko mapigilan ang sarili kong kabahan habang nakaupo ako dito sa malambot na kama ni Conrado. Sobrang lamig din dito sa loob ng buong kwarto. Kinakabahan ako dahil sa nakikita kong galit sa kanyang mukha.
Tahimik at seryoso siyang umiinom ng kanyang wine habang ang matiim niyang tingin ay nasa akin.
Ilang minuto na kami siguro sa ganitong ayos matapos ang nangyari at nakakahiyang ginawa ko sa kanya. Pero hindi ko iyon pinagsisihan dahil nakaligtas ako ng isang buhay nga lang bugbog sarado iyong lalaki kanina.
Hindi ko narin alam kung isinugod ba siya agad sa hospital dahil agad naman akong kinaladkad ni Conrado papasok dito sa kanyang silid. Bumalik narin siguro si Mr. Colorado sa kanyang silid.
"So, explain yourself." Napukaw ako sa malalim niyang boses nang magsalita siya. Pati boses niya talaga ay nakakaakit na sa pandinig.
Kaya siguro marami ang nagkakandarapa sa kanyang mga babae dahil sa bukod na mayaman at gwapo na ay hindi mo pa pagsawaan pakinggan ang kanyang boses na malalim at lalaking lalaki pa ang dating. Wala karin makikitang mali sa kanya dahil lahat ay nasa ayos. Sobrang biyaya ang natanggap niya sa kanyang sarili.
"Erinmay?" Natigilan ako at napakurap ng mata. Nahuli niya akong nakatulala sa kanya.
Seryoso parin at magkasalubong ang kilay niya. Hinihintay ang paliwanag ko kung bakit ako nasa ganoong sitwasyon.
"T-tinulungan ko lang iyong babae na muntik nang mapatay 'nung lalaki kanina."
Nakita kong natigilan siya saglit pero pagkaraan ay inubos niya ang laman ng kanyang baso. Padabog niyang nilapag sa lamesa ang basong hawak at dahan dahan lumapit sakin. Habang ako ay gusto nang tumakbo palabas ng silid niya.
Napayuko nalang ako sa kaba nang nasa harapan ko na siya. Pero agad akong napakislot ng dumampi sa leeg ko ang mainit niyang palad. Ang palad niyang nagbigay init sa buo kong katawan. Napaangat ako ng tingin sa kanya. Kita ko sa kanyang mga mata ang madilim na aura at ang pagmura niya.
"Fuck that bastard! I will kill him!"
Agad akong umiling sa kanya. Alam kong gagawin niya talaga iyon at kung hindi ko pa nga siya napigilan kanina ay mapapatay niya na iyong lalaki na wala man lang tumulong. Kahit malasakit man lang sa tao ay wala at sabik pang makikita sa mga mata nila. Ang makitang naliligo sa sariling dugo iyong lalaki.
Kaya pala parang kinikilabutan ako sa lugar na ito ay dahil ang mga tao dito ay walang puso at walang malasakit sa kapwa. Pero bumabagabag din sa isipan ko kung bakit nasa ganitong lugar ang mag-ama na kahalubilo ang iba't ibang malalaking antas sa lipunan.
Oo alam kong mayayaman sila at hindi na iba sakin kung magkakilala na sila pero dito sa iisang lugar na malawak at malayo sa kabihasnan ay iba ang pakiramdam ko. Para bang lahat ng mga tao dito ay hindi mapagkakatiwalaan at mapanganib.
"O-okay na po ako.. Sir." Tinitigan niya pa akong mabuti. Mahigpit kong nahawakan ang kamay ko. Halata kasing nagsisinungaling ka Erinmay!
"Tsk. You always get in troubles." Asik niya sakin bago siya tumalikod at nagtungo sa maliit na lamesa kung saan ang lamp shade. May ini-on siyang button at nagsalita sa speaker.
"Don't disturbed me."Pagkakasabi niya na may kinakausap doon sa speaker. Matapos siya sa kausap niya ay binalingan niya akong muli.
BINABASA MO ANG
Hunstman Series #:1- Lock in his Arms
قصص عامةConrado Hunstman. Son of a mafia lord "Walang ibang lalaki ang aangkin ng katawan mo kundi ako lang! Tandaan mo iyan!" Mapanganib na banta mula sa binatang Hunstman. Ang binatang baliw at handang pumatay makuha lang ang walang kamuwang na dalaga. An...