Chapter twenty

89.5K 2.1K 153
                                    

Dedicated to: GreyKim4

Erinmay

Hunstman Love

Napaungol ako nang mahina ng may maramdaman akong mainit at basang bagay sa dibdib ko. Kinapa ko iyon dahil nakikiliti ako at pakiramdam ko rin ay nananakit ang buo kong katawan. Lalong lalo na yata sa pagitan ng mga hita ko. Nakahiga pa yata ako sa malambot na kama. Matigas kaya ang kama ko. Pakiramdam ko rin ay nakahubad ako?

Napakunot noo ako dahil wala naman akong ibang bagay na ginawa. Maliban lang na sinamahan ko si Conrado sa kanyang kameeting sa labas. Kainis pa nga iyong babaeng nang-aakit sa kanya na anak ng kameeting niya. Kung magpapansin kay Conrado ay wagas!

Buti nalang hindi sumama si Conrado sa paanyaya nito.

Pagkatapos nun ay sinama niya ako sa isang lugar na pakiramdam ko ay kinikilabutan ako. Nakaharap ko din si Mr. Colorado, ang kanyang ama. Nagpunta ako sa kanyang silid para sana magbanyo pero naka-encounter naman ako ng isang pag-aaway kaya tumulong ako na muntik pang ikapahamak ng buhay ko. Pagkatapos nun ay nagalit sakin si Conrado at naalala kong hinalikan niya ako at... At... At... At?!—

Napadilat agad ako ng mga mata dahil naalala ko na ang lahat. Ang lahat lahat ng ginawa sakin ni Conrado!

At ngayon ay kitang kita ko kung paano niya inaangkin ang mga dibdib ko! At nasilayan kong muli ang katawan niyang nagpahiyaw sa akin! Ang katawan niyang napasaakin isang gabi! Ang katawan niyang hubo't hubad!

"C-conrado!" Naitakip ko ang kumot sa hubad kong katawan. Kahit ako ay hubad din sa ilalim ng kumot.

Nahihiyang napaiwas ako sa kanya ng tingin ng masilayan ko ang nakakaakit niyang pag-ngiti.

"Hi Honey. Good moaning." Ibang salita yata ang huli niyang nabigkas na lalong kinainit ng mukha ko? O sinadya niya talagang sabihin?

Akma na sana akong babangon ng mapadaing ako sa kirot ng aking katawan. Lalo na sa ibaba ko.

"Aarrgghh!"

Tama ako. Hindi panaginip ang nararamdaman ko dahil lahat ay totoo at naibigay ko na ang bagay na pinakaimportante sakin. Ang bagay na iniingatan ko buong buhay ay nawala na. Nawala na dahil sa damdamin ko.

Nawala na at nakuha ng isang Hunstman.

Pero wala akong pagsisi na nararamdaman sa halip ay kasiyahan. Kasiyahan sa puso ko.

Kahit isang gabi lang ay ipapaubaya ko sa isang Hunstman ang katawan ko.

Kahit ang pagbigay ko ng katawan kay Conrado ay nakakalimot din pala. Isang gabi na paglimot at maalala mo nalang kapag tapos na ang lahat. Kapag tapos na ang pagkabirhen ko.

Pero ayos lang. Mahal ko eh.

Dahil siya si Conrado Hunstman ay mahal ko. Ang lalaking mamahalin ko nang buong buhay ko. Mamahalin ko ng sekreto. Dahil ang lalaking minahal ko ay mayroon nang nobya at hindi kami bagay. Hindi ako ang babaeng nararapat sa kanya.

Masaya na ako na napasaakin siya kahit isang gabi lang.

"Don't move, Hon." Inalalayan niya akong mahigang muli. Todo kapit naman ako sa kumot para hindi maalis sakin.

Naupo sa tabi ko si Conrado at nagulat ako ng masahiin niya ang mga paa ko paakyat sa hita ko.

Napakislot ako pero uminit yata ang paligid ko.

"A-anong ginagawa mo!?" Galit kong sita sa kanya na sinabayan ng ungol. Napapikit ako sa sobrang hiya sa inasal ko.

Hunstman Series #:1- Lock in his ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon