Erinmay
Between them
Kinakabahan ako habang papasok ako sa loob ng executive office. Nadaanan ko ang mga katrabaho ko dito sa loob kaya kahit hindi nila ako pinapansin ay binabati ko parin sila. Halata talaga ang pagkadisgusto nila sakin. Siguro hindi parin natatanggap ang paglagay sakin ni Conrado sa posisyong ito.
Kahit ako nagtataka rin kung bakit nga ba niya ako nilagay sa posisyong ito. Nagpalit lang kami ng posisyon nung babae na dati nang secretary dito.
Kumatok muna ako sa pinto bago ko ito binuksan. Wala pa si Conrado sa loob kaya napahinga ako ng maluwag. Naupo ako sa upuan ko at inayos agad ang mga documents sa ibabaw ng lamesa ko.
Ganoon parin, puno na naman nang mga papers ang lamesa ko. Tiningnan ko ang kanyang schedules ngayon at hindi naman masyadong puno ang nagpa-appointment sa kanya ngayon.
Napatingin ako sa pinto nang bigla iyon bumukas. Bumilis ang pintig ng puso ko nang makitang pumasok si Conrado na seryoso at matiim ang titig sakin pero saglit lang niya akong sinulyapan.
Napatayo ako at agad siyang binati.
"Good morning, Sir." Hindi niya ako pinansin. Naupo lang siya sa kanyang swivel chair at sumandal habang may binubuklat siyang isang folder sa kanyang lamesa.
Naupo nalang muli ako sa upuan ko at pinagpatuloy ang aking ginagawa. Pero lihim akong napapasulyap sa kanya. Hindi ko alam pero hindi ako sanay na hindi niya ako pinapansin, na malamig siya sakin.
Diba ikaw ang may sala, Erinmay?
Kaya magdusa ka!
Napailing ako sa naisip ko. Itinuon ko nalang uli ang pansin ko sa ginagawa ko.
Mabuti na rin dahil matatahimik na ako.
Isa-isa kong binubusisi ang mga papeles nang biglang tumunog ang telepono na nasa gilid ng lamesa ko.
Agad ko iyon kinuha at sinagot.
" Hunstman Global Marketing, Good morning. This is Erinmay speaking. How may I help you?"
"Can I speak with Mr. Hunstman?" Boses matanda ng lalaki ang narinig ko sa kabilang linya. At hinahanap niya si Conrado. Negosyo siguro ang pakay niya dito.
"Who's this, please?" Tanong ko agad sa kausap ko.
"Natividad. Manuel Natividad."
"Just a moment, Sir." Maingat kong natakpan ang telepono at agad kong natingnan si Conrado na nahuli kong nakakatitig na pala siya sakin. Nailang tuloy ako sa mga titig niya.
But I need to be a professional.
"Sir, si Mr Natividad daw gusto po kayong makausap." Tumango siya sakin bago siya tumayo at nagtungo dito sa lamesa ko. Inabot ko sa kanya ang telepono na agad naman niyang kinuha at sinagot.
"Mr. Natividad..." Namiss ko ang paglapat ng kamay niya sakin.
Baliw ka, Erinmay!
"Okay. Let's meet." Narinig ko ang huli niyang sinabi sa kanyang kausap bago niya inabot sakin ang telepono. Maingat ko naman iyon kinuha mula sa kanya na hindi ko masasagi ang kanyang kamay.
BINABASA MO ANG
Hunstman Series #:1- Lock in his Arms
General FictionConrado Hunstman. Son of a mafia lord "Walang ibang lalaki ang aangkin ng katawan mo kundi ako lang! Tandaan mo iyan!" Mapanganib na banta mula sa binatang Hunstman. Ang binatang baliw at handang pumatay makuha lang ang walang kamuwang na dalaga. An...