Chapter four

98.5K 2.2K 77
                                    

Erinmay

New secretary

Hapong hapo akong napasandal sa may pader dito sa ladies comfort room. Napatakbo kasi ako ng mabilis at dito nagtago. Nagpasalamat din ako na nakawala ako sa mahigpit na hawak sakin kanina ng lalaking iyon.

Hindi ko alam kung dito din ba siya nagtatrabaho pero sa tingin ko ay dito nga dahil papasok din siya kanina sa parking lot.

Sa naisip na dito din siya nagtatrabaho ay bigla akong kinabahan. Ayoko siyang makita dahil natatakot ako sa kanya at dahil may kasalanan ako sa kanya.

Natatakot akong makita siya dahil baka kung ano ang gawin niya sakin. Baka kidnapin niya ako. O baka naman suntukin niya ako bigla, ang laki pa naman ng katawan nun. Kasi naman, bakit kasi ako nangingialam ng may buhay. Iyan tuloy nagkaproblema pa ako.

Ano nang gagawin ko? Teka!?

Ay hala Erinmay, late ka na!

Ngayon ko lang naalala may trabaho pala ako at sobrang late na ako! 09:06 na sa relo ko!

Nagmamadali akong lumabas ng banyo na ako lang ang tao, tinungo ko ang elevator at agad pumasok ng makitang papasira na ito. Naipindot ko bigla sa button ang eleven dahil doon naman ang accounting department.

Napalanghap ako ng hangin dahil para bang naubusan ako sa kakatakbo ko. Bakit ba ang malas ko ngayong araw?

Bigla naman akong napatili ng  malakas ng may yumakap sa beywang ko at may naramdaman akong mainit na hininga na dumadampi sa tenga ko malapit sa may leeg ko.

"Kahit anong takas mo sakin, honey, ay mahuhuli at mahuli parin kita." Tumindig ang mga balahibo ko sa balat dahil sa malalim na boses ng taong yumayapos sakin. Kinabahan din ako dahil sa boses na iyon na may kasamang takot.

Dahil ang taong yumayakap sakin ngayon ay ang taong tinatakbuhan ko.

Nagkamali ba ako ng pasok?

Asan si kuya Beny?

Tanong ko sa isip. Dahil dalawa lang kami na nandirito sa loob ng elevator.

Pilit kong kinakalas ang pagyapos niya sakin. Pero lalo lang din niyang hinihigpitan kaya malakas na akong nagpupumiglas. Pero nagkamali pala ako ng ginawa dahil isinandig niya ako bigla sa pader.

Ikinulong ako sa pagitan ng mga braso nito. Kaya nakorner niya ako.

Tinitigan niya ako ng malalim sakin mga mata na kinanginig ng buo kong katawan. Tagos na tagos sa kaluluwa ko ang mga titig nito kaya napaiwas ako ng tingin. Hindi ko kasi kayang makipag titigan sa kanya. Lalo lang akong nangangatog.

"Why are you doing this to me?" Napatingin ako sa kanya. Nagtataka ang mga tingin ko dahil sa sinabi nito. Naguguluhan kasi ako sa mga katagang sinabi niya.

Napayuko ito at pinantay ang mukha na sinalubong ang titig ko. Kahit nangangatog ako sa kaba ay hindi ko pinahalata at nakipagtitigan din sa kanya.

Itim na itim na mga mata na kung pagtuunan mo nang pansin ay may halong gold. Magkasalubong na nakakunot noo ang makapal nitong mga kilay na binagayan ng sobrang tangos na ilong. Manipis na mamula mula pero medyo nangngitim sa gilid ang mga labi nitong nakaawang. Ang panga naman niya na may mga pinong balahibo patungo sa magkabilang pisngi niya ay nakadagdag sa mabagsik niyang mukha.

Kita ko din ang mga tatoo sa leeg niya dahil sa pagluwag ng necktie niya at may bukas ang ilang buttones ng damit niya. Hindi ko malaman kung ano ang mga tattoo niya dahil nakamix pero hindi naman masang tingnan parang nakadagdag pa nga sa gwapo nitong mukha pero nakakakilabot.

Hunstman Series #:1- Lock in his ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon