Chapter eight

96.8K 2.3K 242
                                    

Erinmay

Danger

Sobrang kaba at hiya ang nararamdaman ko habang palabas kami ng opisina. Todo yakap kasi sa bewang ko ang lalaking ito. Siya narin ang nagbitbit ng mga paper bags na kinuha niya sakin. Natatapilok din ako dahil sa suot kong heels na mabuti nalang ay inaalayan niya ako.

Napapamura pa siya kung bakit heels pa ang binili niya.

Nang makalabas na kami ay napayuko ako dahil lahat ng mga mata ng kapwa ko empleyado ay samin nakatingin habang ang lalaking ito ay walang paki-alam na diretso lang ang kanyang tingin sa unahan. Nakasunod din samin ang kanyang mga bodyguards.

Sumakay kaming dalawa sa elevator na hindi na sumabay samin ang kanyang mga bodyguards. Pinindot niya ang ground floor kung saan ang labasan. Habang hindi parin ako nakawala sa yakap niya.

Wala kaming imikan hanggang sa lumabas kami ng elevator. Hindi na ako magtaka kung lahat ng mga mata ng empleyado ay sa amin nakatingin habang nagbubulungan. Hindi ko alam kung may mukha pa akong ihaharap matapos ang eksena nang lalaking ito.

Habang naglalakad kami palabas ng ng building ay hindi sinasadyang matapilok ang kanan kong paa na kinangiwi ko dahil masakit.

"Aray ko!" Daing ko na kinahinto ko sa paghakbang na kinahinto din niya at malakas siyang napamura nang mapansin niyang natapilok na naman ako.

Agad siyang napaluhod kasabay ng mga napaubong mga bodyguards niyang nasa likod na pala namin na kinataka ko naman. Napapakamot sila sa kanilang batok habang umiiling.

Naramdaman ko naman ang mainit na kamay ni Conrado na inalis ang sandal sa paa ko na hinagis lang niya kung saan na kinabigla ko. Narinig ko din ang mga tawa ng mga bodyguards niya na hindi ko alam kung narinig niya dahil abala siya sa pagmasahe sa kanan kong paa. Napahawak ako sa magkabila niyang balikat para hindi ako mabuwal.

"Aaahhh!" Mahina kong ungol nang diinan niya ang pagpisil sa paa ko kaya napadiin din ang hawak ko sa balikat niya. Masakit kasi ang pagkapisil niya sa paa ko. Narinig ko pa ang paglagutok ng mga buto ko sa paa na parang nawala na ang sakit.

Nag-angat siya ng tingin sakin na magkasalubong ang mga kilay niya at napamura siya na kinataka ko.

May mali na naman ba akong nagawa?

"Fuck! Honey, don't moan!" Napairap nalang ako sa kanya.

Pati ba naman sa pagdaing ko ibabawal niya? Baliw talaga!

Ilang minuto din na minamasahe niya ang paa ko nang maramdaman kong hindi na sumasakit sakto naman nag- angat siya ng tingin.

"Does it feel pain?" Umiling ako sa tanong niya. Hindi na masakit dahil magaling siyang magpagaling.

Kinuha niya sa paper bag ang sapatos ko at isinuot sakin nang mahubad niya ang kaliwa kong sandal na tinapon lang din niya bigla. Kinuha naman ng isang bodyguard ang mga sandals habang napapahimas ito ng batok.

Matapos naman niyang isuot ang sapatos ko ay tumayo siya at hinarap na niya ako, mabilis siyang humalik sakin labi. Napapikit nalang ako at hinayaan siyang halikan ako kahit sobrang hiya na ang nararamdaman ko.

Lahat ba naman ng mga empleyadong nakakita samin ay napapasinghap sa nasaksihan. Na ang isang boss ay hinahalikan ang kanyang empleyado sa harapan nila.

Bumitaw na rin siya ng halik sakin at inakay na ako. Nang marating namin ang sasakyan niyang mamahalin ay pinagbuksan niya ako ng pinto at inalalayan akong pumasok bago siya kumabila at pumasok sa may manibela.

Hunstman Series #:1- Lock in his ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon