Chapter three

95.9K 2.2K 65
                                    

Erinmay

Dream

PAWIS na pawis ang buo kong katawan nang mapabangon ako bigla. Bigla din nanginginig ang katawan ko dahil sa panaginip ko. Dahil sa isang masamang panaginip ko na nakikipagtalik daw ako sa lalaking hindi ko makita ang mukha dahil malabo ang kanyang itsura.

Inaangkin pa niya ako ng mapusok na walang kapaguran sa paglamas sa katawan ko. Pareho pa kaming napapaungol sa tuwing binabaon nito ng malalim ang kanyang pagkalalake sa kayamanan ko.

Bigla akong napasabunot sa buhok ko. Parang baliw ako na napapasabunot ng buhok. Hindi ko alam bakit nanaginip ako ng ganoon. Bakit ganoon ang napanaginipan ko na ngayon lang nangyari sa buong buhay ko.

Hindi parin humuhupa ang pintig ng puso ko. Bumangon nalang ako at napatingin sa orasan ko. Ala una na pala ng madaling araw.

Lumabas ako ng kwarto at uminom ng tubig. Uhaw na uhaw ako kaya nakailan salin ako ng tubig sa baso ko.

Pagkatapos kong uminon ay chineck ko muna ang kandado ng pinto. Baka nakaligtaan kong ilock at baka sign iyong panaginip ko na may makapasok ng masamang tao at gawan ako ng masama.

Pero pagcheck ko ay nakalock naman ng maigi. Sirado din ang nag iisa kong bintana na may bakal naman

Napailing nalang ako sa mga iniisip kong masasama. Pumasok nalang uli ako sa kwarto at nahigang muli. Dahil maaga pa ako bukas sa trabaho. At dahil bukas na magsisimula ang anak ng may ari na siyang bagong mamamahala ng kompanya.

Mas stricto at suplado daw ang anak kaysa ama nito, ayon sa mga narinig ko kanina sa mga heads ko. Kaya aasahan daw na magiging pressure pa ang trabaho.

Iwinaksi ko na ang mga iniisip ko at pumikit nalang pero napadilat akong muli dahil sa mga eksenang iyon. Bumabalik kasi sa balintanaw ko ang mga eksenang napanaginipan ko.

"Arrgghh... Please magpatulog ka naman." Kausap ko sa sarili na ang tinutukoy ay ang lalaking hindi ko alam ang mukha. Hindi ko rin maaninag ang katawan nito pero alam kong malaki ang pangangatawan ng lalaking iyon.

Nagdasal uli ako baka sakaling makatulog ako at salamat dahil mga ilang oras nga lang ay unti unti nang pumipikit ang mga mata ko.

KINAUMAGAHAN, ay tinanghali ako ng gising kaya dali dali akong naligo at pagkatapos ay plinantsa ko muna ang uniform ko dahil lukot sa paglaba ko.

Binilisan ko lang ginagawa at pagkatapos ay sinuot ko na ang uniform ko. Medyo fit sa katawan ko at nainis ako sa skirt ko dahil ang iksi kaya nililis ko pababa para matakpan ang hita ko pero umaangat parin kahit anong lihis ko. Kaya naman ay may naisipan akong isuot na binili ko kahapon sa isang tindahan.

Inalis ko muna ang skirt ko at nagsuot ng itim na stocking. Pantyhose na stocking ang binili ko para hindi madaling malaglag at para comfortable ako. Nang maisuot ko na ay sinunod ko naman ang skirt ko.

Napangiti ako dahil mas komportable na ako sa uniform ko. Hindi naman bawal mag- stocking kaya okay lang. Sinuot ko narin ang itim kong leather shoes na flat ang takong. Para hindi masakit sa paa sa kakalakad at takbo ko doon sa office. Ang lawak lawak kaya ng lalakarin ko. Pinusod ko nalang ang mahaba at kulong kong buhok. Nagpolbo at konting make up at light lipstick lang ang inilagay ko sa mukha ko.

Kahit ayokong maglagay ng mga colorete sa mukha ko ay no choice ako dahil iyon ang tinuro noong company orientation namin.

Nang okay na ang ayos ko ay binitbit ko na ang sling bag ko at isinukbit sa balikat. Ito pa ang bag ko nang college. Luma na pero matibay ay ayos pa naman na ang mga laman ay lumang wallet, panyo, toothbrush at toothpaste, Cologne, at mga colorete sa mukha.

Hunstman Series #:1- Lock in his ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon