Chapter fifteen

85.8K 1.8K 66
                                    

Erinmay

Pain

"You're the only one I've been tasted like this, Hon. You taste sweet and pure."

Napatingin ako kay Conrado at nasalubong ko ang matiim niyang mga mata na puno ng iba't-ibang damdamin na hindi ko mapangalanan. Pero nandoon ang kislap sa kanyang mga mata. Habang ako naman ay mapapansin ang takot at pangamba sakin mga mata sa maaaring mangyari ngayon.

Hinawakan ng mga kamay niya ang mukha ko.

"Trust me." Katagang puno ng ibig sabihin para sakin. Mga kahulugan na pwedeng mabali. Paano ako magtitiwala sa kanya kung hindi ko naman siya kilala nang lubusan. Hindi din naman niya ako kilala. Basta basta nalang siya pumasok sa buhay ko at magpagulo sa isipan ko. Mayaman siya, mahirap ako.  Kaya imposibleng magtiwala na agad ako basta nalang sa kanya.

Paano kung gumaganti lang siya sakin? Dahil sa nagawa ko noon sa kanya? Na kapag nakuha na niya ang gusto niyang makuha sakin ay itatapon nalang niya ako at pagtatawanan sa isang sulok. Na ang mga pinapakita niya sakin ay isang pagpapanggap lamang at walang katotohanan lahat nang iyon. Sa huli ako lang din ang mawawalan at kawawa.

Gusto ko nang tumakbo sa kagagahang nagawa ko. Sobra nang kahihiyan ang ginagawa ko sa sarili na pati kalukuwa ko ay hinahayaan kong makuha ng lalaking ito. Inalagaan ko ang sarili ko para sa taong mamahalin ko pero ilalaan ko lang pala sa maling lalaki.

Biglang uminit ang sulok ng mga mata ko. Napaiwas ako ng tingin kay Conrado at kinalas ang kamay niyang nakahawak sa mukha ko. Napakunot ang kanyang noo. Bumangon ako at hindi siya pinansin. Tumakbo ako papuntang banyo at agad kong inilock ang pinto nang makapasok na ako. Nanghihinang napasandal ako sa pinto at unti-unting napadausdos ang katawan ko sa sahig habang kumawala ang mga luha ko saking pisngi.

Sobrang sakit pala nang marealize nang isip ko ang kagagahang ginawa ko.

Alam kong mali pero bakit ko parin ginagawa?

Dahil lang ba sa katawan ko o may iba pa? Dahil ba sa gwapo niyang mukha at maganda niyang katawan? O dahil sa mapang-akit niyang mga tingin, halik at haplos sakin? Kaya muntik ko nang ibigay ang sarili ko sa kanya.

Kung hindi pa pala sa salita niya ay hindi pa ako magigising sa aking sarili na niloloko lang niya ako. Hindi pa ako magigising sa katotohanan.

Napakislot ako nang may marinig na katok sa labas ng pinto.

"Fuck! Honey, what's wrong? Are you hurt? Did I said something wrong? Common, tell me!"

May pag-alala sa kanyang boses na hindi ko na pinansin. Hindi ako nagsalita. Tinakpan ko nalang ang bibig ko sa kumawalang ingay galing sa paghikbi ko.

"Fuck! Hon, open the door! Or else I will break it!—"

"A-ayos lang ako! Layuan mo na ako! Magsama kayo nang Tamara mo!" Pumiyok ang boses ko na kinamura niya nang todo. Alam niya sigurong umiiyak ako at galit ako sa kanya. Galit ako sa kanya dahil may girlfriend na siya at nagawa niya akong paglaruan. Galit ako sa sarili ko dahil nasasaktan ako.

Natahimik siya bigla sa labas pero maya- maya ay narinig ko ang kanyang marahas na paghinga. Hindi ko alam pero ramdam ko ang pinipigil niyang galit base sa kanyang boses, na ewan ko kung sa akin ba o sa kanya. Siguro saakin dahil nabitin siya at hindi nakuha ang kanyang gusto.

Narinig kong muli ang malalim niyang paghinga.

"Okay. I'll give you space. But don't try to escape from me, Erinmay. You wouldn't like suffer my angry." Natahimik siya bigla sa labas na tanging paghinga lang niya ang naririnig ko. "My Bodyguards will be escorting you to your home. See you at my office."

Hunstman Series #:1- Lock in his ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon