Chapter thirteen

91.3K 1.9K 94
                                    

Erinmay

Bodyguards

Tulala lang ako habang nakaupo dito sa bangko ko. Kanina pa din nakaalis ang babae. Ang babaeng girlfriend daw ni Conrado.

Ang walanghiya! May nobya na pala siya at pati ako dinadamay niya sa kalokohan niya!

Ang kalokohan niyang manira ng inosenteng babae na kagaya ko. Walang kalaban laban sa kanyang mga kalokohan. Muntik ko na palang ibigay ang sarili ko sa hayop nayon.

Pero buti nalang pala at nalaman ko nang mas maaga kaysa patuloy niya akong lolokohin. Mabuti din palang nakilala ko ang nobya niya na mas maganda pa sakin at mayaman pa.

Bakit ako pa ang ginugulo niya kung may maganda naman siyang nobya. Gusto lang niya siguro akong paglaruan at kung makuha na niya ang gusto niya ay itatapon nalang niya ako na parang basura.

Dahil ang kagaya kong mahirap ay basura ang tingin samin ng mga mayayaman, katulad nang Conradong iyon.

Kumuha ako ng tissue sa bag ko at pinahid sa mga luha ko. Napaangat naman uli ang tingin ko sa pinto ng may pumasok na namang babae. May edad nang babae na katrabaho ko rin dito sa department ko. Tumayo ako at bumati sa kanya. Ganoon din siya sakin.

"Iha. Ikaw siguro ang bagong secretary ni Mr. Hunstman? Ako si Haedi, ang magtuturo sayo ng mga dapat mong matutunan." May nilahad siya saking folder kaya agad ko iyong kinuha at binuklat. Mga schedules at appointments niya ang nakasulat.

Ang dami naman niyang kameetings.

"Iyan ang mga dapat mong pag-aralan, Iha. Para ikaw na ang magreremind kay Mr. Hunstman ng mga schedules niya sa araw araw." Tumango ako kay Ma'am Haedi bago ko nilagay sa lamesa ko ang folder.

Mamaya ay pag-aralan ko ang mga iyon. Mas mahirap pa pala ngayon ang trabaho ko kaysa doon ako sa accounting department.

"Ako nga po pala si Erinmay. Marami pong salamat sa pagtulong niyo sakin." Alam kong mabait siya dahil magaan ang pakiramdam ko sa kanya. Ngumiti din siya pabalik sakin.

"Walang anuman, Iha. Kapag may bagong secretary ay ako ang tinalagang magturo sa kanya dahil iyon ang trabaho ko." Siguro dati din siyang secretary dito na napromote kaya alam na niya ang mga dapat gawin.

"Siya sige, maiwan na muna kita. Babalik ako mamaya para sa ibang information." Akma na sana siyang tatalikod ng magsalita ako.

"Ah, Ma'am Haedi, wala pa po si Mr. Hunstman. Paano po kung may kaappointment siyang darating o may papirmahan sa kanya. Ano po ang gagawin ko?" Alangan naman paghintayin ko ang kliyente niya kung hindi naman siya darating.

Hunstman Series #:1- Lock in his ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon