Chapter twenty five

74.2K 1.7K 92
                                    

Erinmay

Positive

Lumipas ang ilang linggo at ganoon parin ang takbo ng buhay ko. Hatid at sundo ako sa mga pamangkin ko sa kanilang eskwelahan.

Tumutulong rin sa gawaing bahay. Tinutulungan ko rin si Ate Tina sa pagtatanim ng mga iba't ibang gulay sa likod bahay namin. Malawak kasi ang bakante sa likod kaya nagtatanim doon si Ate.

Kaya palagi ang ulam ay mga masustansyang pagkain.

Hanggang ngayon ay hindi parin ako kinakausap ni Kuya Lino. Parang hangin lang akong hindi niya nakikita. Magkaharap nga kami pero hindi niya ako pinapansin o tapunan man lang ng tingin.

Grabe ang nararamdaman niyang galit sa'kin. Iniisip niya sigurong sayang pagpapa-aral niya sa'kin na hindi ko naman ginamit. Na hindi ako nakapagtrabaho doon sa Maynila. Na wala akong trabaho ngayon.

Ako sana ang inaasahan ni Kuya na tutulong sa kanya para sa kanyang pamilya. Para may makain kami at makaraos sa aming buhay.

Marami naman akong inaplayan dito sa Batangas pero ni isa ay walang tumanggap sa'kin na kinataka ko. Maganda naman ang records ko pero parang may mali sa mga inaplayan kong trabaho. Pagkakita nga nila sa resume ko ay parang natigilan sila at takot na agad umiling sa'kin. Tatawagan nalang daw nila ako. Ilang company narin ang sinubukan ko pero wala talaga. Pati mga restaurant, fast food o kahit sales assistant man lang sana ako ay iisa lang sabi ng nag-iinterview sa'kin;

"Tatawag nalang kami sayo, Miss Amares."

Hirap talaga ngayon maghanap ng trabaho.

Nagbubungkal ako ngayon ng lupa dito sa likod bahay ng bigla akong makaramdam ng hilo. Nabitawan ko ang palakol at napahawak sa noo ko.

"Ayos ka lang, Erinmay?" Tanong ni Ate sa unahan ko nang mapansin niya ako.

Tumango tango naman ako sa kanya.

"O-opo, Ate. Napagod lang siguro ako." Tinitigan niya lang ako bago sumang-ayon sa sinabi ko.

"Magpahinga ka muna sa loob. Ako nang bahala dito." Tumango ako sa kanya at kinuha ang palakol at inilagay ko sa gilid.

Pumasok ako sa loob at naupo sa bangko. Nahihilo parin ako at parang masusuka pa yata ako.

Dali dali akong pumunta ng lababo at doon nagsuka. Wala naman may lumalabas sa'kin kaya nagmumog na ako nang bigla naman akong mapatigil.

Hindi kaya—?

Delayed ako ng ilang araw kaya posible kayang buntis ako?

Buntis ako kay Conrado?

Lihim akong napangiti at hinimas ang puson ko. Nasisiyahan akong nagkaroon ng bunga ang ginawa namin ni Conrado. Nasisiyahan akong magiging ina ng anak ni Conrado. Pero may bahagi rin sa'kin ang nalulungkot. Dahil hindi ko kasama ang kanyang ama. Isisilang siyang walang kagigisnan na ama at lalaki siyang walang ama.

Pero ganoon paman ay masaya ako at nagagalak na siyang makita. Mamahalin ko siya ng buo kahit ako lang. Dahil siya ang bunga ng pagmamahal ko kay Conrado.

Bahala na kung ano ang isipin sa'kin ni Kuya. Basta hindi ako makakapayag na mawala sa'kin ang anak ko. Mahal na mahal ko siya at ipaglalaban.

Pumasok ako sa loob ng silid ko at nagpahinga saglit para mawala ang hilong nararamdaman ko.

BAGO ang pagsundo ko sa mga bata ay bumili muna ako ng pregnancy test para makasigurado ako.

Pag-uwi sa bahay ay pumasok ako sa silid at agad iyon ginamit.

Hunstman Series #:1- Lock in his ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon