Erinmay
Wake up
Nandito kami ngayon sa isang mall sa infants department kung saan namimili kami ng gamit para sa panganganak ko at pati narin gamit para sa quadruplets. Sigurado din daw si Mama Catherine na mga lalaki ang gender ng apat ayon sa lahi ng Hunstman kaya panlalaking mga gamit at damit ang kanyang pinili. Napapailing nalang ako sa kanya dahil inubos na yata niya ang mga paninda dito sa infants section. Sinabi ko sa kanya na okay lang kahit ilang pares lang ng mga damit ang bibilhin namin pero hindi siya pumayag. Sobrang excited siyang makita ang mga apo niya.
Matapos makabayad at maibalot ang mga pinamili namin ni Mama Catherine ay inutusan niya ang dalawa niyang mga bodyguards na dalhin na sa kotse ang mga iyon. Lumabas kami at inaya niya akong kumain muna kami dahil ginutom daw siya sa pamimili.
Akma na sana kaming papasok sa isang restaurant bang magring ang kanyang phone. Napahinto siya at sinagot ang tawag.
"Dad! Where's Erinmay! I want to see here!— Tsk. Love our son was finally wake-up. Please bring Erinmay here. I love you." Hindi ko na narinig ang ibang sinabi ni Daddy Colorado kay Mama Catherine dahil isa lang ang nasa isip ko. Nagkamalay na si Conrado!
"Let's go Iha. My son badly wants you. I'm jealous. Hindi man lang niya ako hinanap." Nakita ko ang kunyaring pagtatampo niya na kinangiti ko. Mabilis niyang nahawakan ang kamay ko at hinila ako palabas ng mall. Nagsabi lang siya sa isang Bodyguard na mag-order nalang ng pagkain at dalhin sa hospital bago kami pumasok sa loob ng sasakyan at nag-utos na bilisan ang pagmamaneho.
Habang nasa biyahe kami ay hindi ako mapakali. Gusto ko na siyang makita at mayakap. Nagpapasalamat ako sa itaas dahil nagkamalay na si Conrado at hindi niya pinabayaan.
Ilang minuto lang ay narating namin ang hospital. Mabilis kaming pumasok ni Mama Catherine sa loob at pinuntahan ang kanyang silid.
Bumibilis ang tibok ng puso ko habang malapit na kami sa kanyang silid. Nakangiting binuksan ni Kuya Bogul ang pinto na kinangiti ko rin sa kanya. Alam narin nilang ligtas na ang amo nila.
Naunang pumasok si Mama Catherine kasunod ako. Napaluha ako sa galak nang masilayan ko ang kanyang mukha. Seryoso at puno ng damdamin. Unti unti akong humakbang palapit sa kanyang kama. Nasa harap na ako at nagkatitigan lang kami habang hilam na sa luha ang mga mata ko. Parang natakot akong yakapin siya baka may masagi ako sa kanya na ikasakit niyang muli. Na bumalik siya sa pagkakatulog niya.
"Hon. Don't stare. Come here and hug me. I miss you so much." Sa sinabi niya ay agad ko siyang niyakap. Mahigpit pero may pag-iingat na hindi ko masagi ang kanyang dibdib na inoperahan. Humihikbi ako habang hinahaplos niya ang buhok ko. Ramdam kong hinahalikan niya ang ulo ko.
"C-conrado.. Salamat at gising ka na! A-akala ko iniwan mo na ako!" Pinahiran ng daliri niya ang mga luha ko. Ngumiti siya na kinalukso ng puso ko.
"It will never happened." Puno ng diin niyang pagkabigkas. Bumaba ang labi niya sa labi ko at hinalikan iyon ng pagkasabik. Pinahinto ko siya saglit na kinakunot ng kanyang noo.
"N-nandito ang mga magulang mo." Ngumisi siya at agad akong kinandong sa kanyang mga hita. Aalis sana ako dahil mas nakakahiya ang posisyon namin ngayon. At nag-alala akong mabinat siya sa bigat ko.
"They are not here. So I can kiss you whatever I want." Tututol pa sana ako nang halikan niyang muli ang labi ko. Napayakap ako sa kanyang leeg at tinugon ang halik niyang may pagkasabik rin.
BINABASA MO ANG
Hunstman Series #:1- Lock in his Arms
General FictionConrado Hunstman. Son of a mafia lord "Walang ibang lalaki ang aangkin ng katawan mo kundi ako lang! Tandaan mo iyan!" Mapanganib na banta mula sa binatang Hunstman. Ang binatang baliw at handang pumatay makuha lang ang walang kamuwang na dalaga. An...