Erinmay
His girlfriend
Napasinghap ako nang magmulat ako ng aking mga mata. Tulala din ako habang nakatanaw ako sa kisame. Nanaginip na naman ako. Bumalik na naman sa panaginip ko ang lalaking iyon. Ang lalaking walang mukha na umaangkin sa katawan ko.
Pero pakiramdam ko ay totoo ang panaginip ko ngayon. Pero imposible naman dahil hindi ko nga kilala ang lalaking iyon at wala akong balak na magpagalaw sa kanya o na kahit sa kaninong lalaki.
Natigilan ako saglit dahil sa kaalamang nagpagalaw na pala ako sa isang lalaki. Ang lalaki na ngayon ay bihag ako. Pero hindi ko siya hahayaang ikulong niya ako sa kanya dahil hindi naman niya hawak ang buhay ko.
Akma na sana akong babangon ng mapatigil ako. Bigla ko kasing naalala na nasa baba ako at nanonood ng television. Ngayon ay nandito ako sa kwarto ni Conrado na kinalaki ng mga mata ko.
Paano ako napunta dito? Binuhat ba niya ako? Dito ako natulog katabi siya? May ginawa ba siya sakin? Ginalaw ba niya ako? Hayop siya!
Kung anu ano na ang masasama kong iniisip laban sa lalaking iyon.
Tiningnan ko agad kung may katabi ako pero wala at suot ko pa naman ang damit ko. Pinakiramdaman ko din ang sarili baka may makuha akong sagot. Pero wala naman akong may nararamdaman maliban lang sa medyo basa ang ibaba ko. Medyo makirot pero hindi naman sobrang kirot na malalaman mo talaga kung nawala na ang iniingatan mo.
Tiningnan ko pa ang ibaba ko kung may ebidensya pero wala naman. Iyong dibdib ko naman ay parang namanhid siguro sa yakap kong unan na nakadagan sa bandang dibdib ko.
Napahinga ako ng maluwag sa isiping wala siyang ginawang masama sakin. Siguro sa ibaba nalang siya natulog.
Bumangon na ako at inayos ang hinigaan ko pero natigil ako sa pagtupi ng kumot nang mapansin ko ang aking uniform na maayos nakatupi sa ibabaw ng lamesa at nandoon din ang bag ko.
Dali dali kong nilapitan ang bag ko at hinalukay kung nandito ba ang cellphone ko pero nadismaya ako dahil wala ang cellphone ko.
Nanghihinang tinapos ko nalang ang pag aayos ko nang kama. Nakita ko naman ang oras sa orasan kaya pumasok na agad ako nang banyo at mabilis naligo.
*Dahil sa sobrang bilis ng pagsasabon ng dalaga sa katawan ay hindi na nito nakita pa ang mga pulang markang nagkalat sa dibdib nito.*
Lumabas ako ng banyo at tinuyo ko muna ang katawan ko bago ko sinuot ang uniform ko. Bagong laba ito at plantsado na.
Pinalabhan niya kaya ito?
May mabuti din palang ginawa ang lalaking iyon. Pero hindi sa cellphone ko. Siguro tinago niya para hindi ako makahingi ng tulong kay Kuya.
Matapos kong ayusin ang sarili ko ay lumabas na ako ng kwarto at nagtungo na sa ibaba.
Siguro nandoon na si Conrado. Pero pagbaba ko ay wala sa buong bahay si Conrado. Saan kaya siya nagpunta?
Nasagot ang katanungan ko nang may makita akong papel na nakadikit sa pinto ng refrigerator. Kinuha ko iyon at binasa.
Hon.
Eat breakfast. You will be escort by my Bodyguards.
Don't flirt with different men. You are dead if you did.
BINABASA MO ANG
Hunstman Series #:1- Lock in his Arms
Ficción GeneralConrado Hunstman. Son of a mafia lord "Walang ibang lalaki ang aangkin ng katawan mo kundi ako lang! Tandaan mo iyan!" Mapanganib na banta mula sa binatang Hunstman. Ang binatang baliw at handang pumatay makuha lang ang walang kamuwang na dalaga. An...