Chapter twenty six

74.7K 1.9K 131
                                    

Erinmay

Shadow

Nagising akong nasa silid ko na. Ako lang mag-isa at naalala ko naman ang mga nangyari at hindi ko na naman maiwasan ang maiyak. Kapag nakikita kong nasasaktan din si Kuya. Siya nalang ang mayroon ako at ang kanyang pamilya na mahal na mahal ko ay dinamay ko sa kabaliwan ko.

Bumukas ang pinto ng silid ko at iniluwa si Ate na may dalang mainit na lugaw.

Bumangon ako at napasandig sa kama ko. Inilapag niya ang lugaw sa ibabaw ng kabinet ko at tinungo ako.

"Kumain ka muna Erinmay para mainitan ang tiyan mo. Huwag kang masyadong magpagod at umiyak dahil nakakasama iyan sa pinagbubuntis mo." Napahawak ako sa kanyang kamay ng maupo siya sa tabi ko.

"Patawad po sa nagawa kong kasalanan sa inyo Ate. Kahit ako po ay hindi inaasahan ang ganitong pangyayari sa buhay ko." Tumulo na naman ang mga luha ko. Hindi ko na sila mapigilan pa.

"Wala kang kasalanan, Erinmay. Alam kong mahal mo ang lalaking iyon at walang mali sa ginawa mo. Nagmamahal ka lang ng lalaki Erinmay." Nginitian niya ako at pinahid ang mga luha ko. Gumaan naman ang pakiramdam ko sa kanyang sinabi. Alam kong mauunawaan niya ako. Babae din siyang nagmamahal kay Kuya. Nga lang nandiyan si Kuya sa kanyang tabi.

"Salamat po, Ate. Sana mapatawad na ako ni Kuya." Humigpit ang hawak niya sa kamay ko.

"Sigurado akong mapapatawad ka din ni Lino. Ang Kuya mo pa. Mahal ka nun. Sa ngayon ay hayaan na muna natin siyang makapag-isip ng matino. Galit iyon pero lilipas din." Tumango lang ako sa kanya. Oo mawawala din ang galit ni Kuya sa'kin.

Sa ngayon ay kailangan kong pangalagaan ang kalusugan ko para sa anak ko. Ayoko na pati siya ay madamay sa pangyayaring ito. Ayoko siyang mapahamak at mawala sa'kin.

"Sino bang maswerte na binata ang nagmamay-ari ng puso ng aming Erinmay?.. Iyon bang binata na kasama mo kamakailan lang? Oyy.. Bagay kayong dalawa!" Parang teenager sa kilig si Ate habang tinutudyo ako. Umiling ako sa kanya na kinakunot ng kanyang noo. May pagtataka din sa kanya.

Hindi ko rin mapigilan ang sarili ko kaya naikwento ko sa kanya ang lahat ng mga nangyari sa'kin doon sa Maynila. Ang buong katotohanan.

Nalulungkot na niyakap ako ni Ate ng mahigpit. Dinadamayan niya ako sa aking pagkabigo pero ganun pa man ay gumaan ang pakiramdam ko ng may napagsabihan ako ng aking mga hinanakit.

"H-hindi niya ako mahal Ate dahil may mahal na siyang iba!" Paulit ulit kong sabi habang umiiyak ako. Nilalabas ko lahat ng sakit. Lahat ng kinikimkim ko.

Hunstman Series #:1- Lock in his ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon