Erinmay
Welcome back
"Erinmay!"
Nagimbal ako at naitulak si Conrado nang marinig ang galit na boses ni Kuya Lino na pumasok sa loob at masama ang tinging pinupukol kay Conrado at ganoon din si Conrado sa kanya. Nakipagtitigan sila sa isa't isa. Nalaarma ako sa kanilang dalawa baka umabot sa sakitan ang pagtitigan nila.
"U-umalis ka na muna Conrado.. P-pakiusap." Matagal bago siya tumingin sakin. Ramdam ko ang galit niya kay Kuya. Pinipigil lang niyang makagawa ng ikakasakit ni Kuya.
Hinarap niya ako at hinalikan saking noo na kinapikit ko.
"I'll comeback for you." Tiningnan ko nalang siya bago ito tumalikod at lumabas na ng pinto. Hinarap naman ako ni Kuya na may pag-alala sa kanyang mukha.
"Okay na ba ang pakiramdam mo Erinmay?" Isang tango lang ang isinukli ko sa kanya. Naupo siya sa bangko at nakatitig sakin na may pagtatanong ang mga mata. Parang sinasabi niyang magpaliwanag ako sa kanyang nakita ngayon lang.
Bumuntong hininga ako bago nagsalita.
"S-siya po ang ama ng pinagbubuntis ko." Nakayuko lang ako habang pinaglalaruan ang mga kamay ko. Kinakabahan ako kung ano ang kanyang sasabihin. Kung galit ba siya kay Conrado o sa akin.
"Mahal ka ba ng lalaking iyon Erinmay?" Hindi ako nakasagot sa tanong na iyon ni Kuya dahil hindi ko naman alam ang sasabihin. Kahit ako ay tinatanong rin ang mga katagang iyan sa sarili ko. Mga katagang gusto kong marinig mula mismo sa lalaking mahal ko. Pero hindi na ako aasa pa dahil kita ko naman kung sino ang mahal niyang babae.
Hinawakan ako ni Kuya sakin mga kamay kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya.
"Huwag kang mag-alala nandito naman kami para sayo. Aalagaan natin ng magkasama ang anak mo." Napaluha ako sa narinig ko sa kanya. Tumango ako at agad siyang niyakap.
"Salamat Kuya. Mamahalin ko ang anak ko kahit wala ang ama niya." Nagpapasalamat ako sa Maykapal dahil binigyan niya ako ng mabait, maunawain at mapagmahal na Kuya Lino. At handang tumulong sakin kasama ang pamilya niya.
"Sige na magpahinga ka muna. Bibili muna ako ng pagkain natin sa labas." Inalalayan niya akong mahiga sa kama bago halikan sakin noo. Lumabas siya ng pinto at ako nalang mag-isa ang naiwan.
Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Conrado kanina na babalikan daw niya ako. Nabahala din ako dahil alam na niyang buntis ako at hindi mawala ang takot sakin ang isipin na kukunin niya ang anak ko kapag nanganak na ako. Pero may bahagi naman sakin ang tumutol na maaaring may pagtingin din sakin si Conrado kaya niya ako hinalikan. Ramdam ko sa kanyang halik ang pagkasabik at saya ng magtagpo ang aming labi. Sana nga totoo itong naisip ko.
KINAHAPUNAN ay lumabas narin ako ng hospital at sabi ni Kuya ay may nagbayad na daw ng aking hospital bill. Alam ko na kung sino ang nagbayad. Nirisitahan din ako ng doktor ng mga vitamins para sa pagbubuntis ko para mas kumapit daw ang bata sa sinapupunan ko at para mawala din ang panghihilo kong nararamdaman. Normal lang din daw ang makaramdam ng hilo sa mga buntis na kagaya ko. Mas mainam din na kumain ako ng mga prutas at masustansyang gulay.
BINABASA MO ANG
Hunstman Series #:1- Lock in his Arms
Ficción GeneralConrado Hunstman. Son of a mafia lord "Walang ibang lalaki ang aangkin ng katawan mo kundi ako lang! Tandaan mo iyan!" Mapanganib na banta mula sa binatang Hunstman. Ang binatang baliw at handang pumatay makuha lang ang walang kamuwang na dalaga. An...