Erinmay
New friend
Tahimik lang akong tumatanaw sa labas ng bintana habang nakasakay na ako dito sa kotse ni Miguel.
Sinabi ko sa kanyang ihatid ako sa bus station pa Batangas. Uuwi ako sa'min at bahala na kung ano ang ipapaliwanag ko kay Kuya Lino kung magtanong siya kung bakit ako umuwi.
Marami naman sigurong mga empleyado ang available na papalit sa posisyon ko. Mag-aawol nalang ako sa trabaho keysa naman magbigay pa ako ng resignation sa kanya. Tiyak na hindi papayag iyon.
Lalo lang malala ang sitwasyon ko kung hindi pa ako lalayo sa kanya. Mas ako ang masasaktan kung patuloy ko siyang makikita na masaya sa iba. Sa ibang babae na mahal niya.
Napatingin ako sa panyong nakalahad sa'kin. Lumingon ako at seryosong mukha ni Miguel ang nakita ko na napasulyap bago humarap sa harap.
"Kunin mo at ipahid sa'yong mga luha. Masasayang ang mga iyan sa taong nagpaluha sa'yo na hindi karapat dapat iyakan." May bahid ng galit ang tono ng kanyang pananalita na hindi ko nalang pinansin. Siguro naramdaman niya rin ang ganitong pakiramdam.
Kinuha ko ang panyo at pinahid sa magkabilang pisngi ko. Umiiyak na naman ako.
Nasasaktan kasi akong hindi ko na siya makikita pa. Masilayan ang maganda niyang ngiti na ako lang ang nakakakita. Ang malamyos niyang tawa na ako lang ang nakakarinig. Ang galit niyang mukha na ako ang dahilan sa tuwing may tinutulungan ako. Ang mabango niyang pabango na nakatatak na sa pang-amoy ko. Ang mainit niyang yakap na sa pakiramdam ko ay ligtas ako at ang malambot niyang labi na nagpadama sa'kin ng libo libong pakiramdam.
Lahat ng iyon ay hindi ko na madadama pa. Hindi ko na siya masisilayan kahit kailan.
Naramdaman kong tumigil ang sasakyan kaya napalibot ako sa paligid. Nandito na pala kami sa terminal.
Lumabas si Miguel habang ako ay inayos ang sarili at mukha ko. Baka namumula na ang mata ko kakaiyak.
Binuksan pala nito ang kabilang pinto sa gilid ko kaya lumabas na agad ako.
"Maraming salamat talaga sa'yo, Miguel. Pasensya na kung tinarayan kita kanina." Agad kong sabi ng nakalabas na ako.
Nakangiting tumango tango naman siya.
"Nga pala iyong name mo hindi mo pa nasasabi." Oo nga pala hindi ko pa nasabi sa kanya ang pangalan ko. Inihatid niya ako dito ng ligtas tapos hindi man lang ako nagpakilala.
"Ay sorry. Erinmay Amares. Sige una na ako." Akma na sana akong aalis ng maalala ko ang pinahiram niyang panyo na hawak ko pa.
"Nga pala iyong panyo mo." Nakakahiya man pero nilahad ko sa kanya ang panyo. Natingnan lang niya ang panyo bago umiling sa'kin.
"Sa'yo na iyan marami pa naman ako." Basa na kaya ng luha kaya siguro hindi na niya tinanggap.
"Salamat uli, Miguel. Sige una na ako. Ingat sa biyahe ha." Saludo lang ang ginawad niya sa'kin kaya tumalikod na ako at lumakad.
BINABASA MO ANG
Hunstman Series #:1- Lock in his Arms
Ficção GeralConrado Hunstman. Son of a mafia lord "Walang ibang lalaki ang aangkin ng katawan mo kundi ako lang! Tandaan mo iyan!" Mapanganib na banta mula sa binatang Hunstman. Ang binatang baliw at handang pumatay makuha lang ang walang kamuwang na dalaga. An...