Erinmay
Husband and Wife
"Do you, Conrado Hunstman. Take this Woman as your Wife, to be the mother of your child in richness and poor? In sickness and in health? Ti'll death do you us part?"
Tinitigan ako nang matiim ni Conrado. Nagniningning ang kanyang mga mata habang magkahawak ang mga kamay namin.
"I do, Father." Nakangiti at puno ng pagmamahal niyang bigkas na lalong nagbigay sakin ng kasiyahan. Kasabay ng pagsuot niya ng singsing sa daliri ko. Ang singsing na magdudugtong saming wagas na pagmamahal.
"Do you, Erinmay Amares. Take this Man as your Husband, to be the father of you child in richness and poor? In sickness and in health? Ti'll death do you us part?"
Ganun din ang pinapakita kong tingin kay Conrado. Puno ng pagmamahal na lahat gagawin ko para maging mabuting asawa sa kanya.
"I do, Father." Nakangiti kong sabi sa mga mata niya habang sinusuot ko sa kanyang daliri ang singsing. Pakiramdam ko ay kaming dalawa lang ang nandito sa harapan. Sa harapan ng Panginoon na siyang saksi sa aming pagmamahalan ni Conrado.
"By the power of God upon in me, I now pronounce you Husband and Wife. You may kiss your Wife now."
Unti unti nang hinahawi ni Conrado ang tabing sakin mukha. Pareho kaming nakangiti habang sabik na sabik niyang inangkin ang mga labi ko. Narinig ko ang palakpakan at hiyaw ng mga bisita sa aming paligid. Inawat ko na naman si Conrado sa paghalik dahil ayaw pa niyang bumitaw.
Nakangiting humarap kami sa mga bisita bago kami nilapitan nila Mama Catherine at Daddy Colorado. Masaya kami nilang binati.
"Congratulations Iha, Iho. I'm so happy for you." Naiiyak na bati samin ni Mama Catherine na mahigpit akong niyakap. Ganoon din ako sa kanya. Lubos akong masaya na nagkaroon ako ng ikalawang Ina.
"Congratulations Son and to you my Daughter in- law." Nakangiting bati din samin ni Daddy Colorado. Noon ay Boss ko lamang siya. Ngayon ay hindi ako makapaniwala na Daddy ko na siya ngayon.
"Thanks Dad, Mom."
"T-thank you po Mama, D-daddy." Medyo nailang pa ako doon pero sabi ni Mama ay masasanay din daw ako.
Hinapit ako ni Conrado at hinalikan nang harapin namin ang pamilya ko.
Ganoon din sila Kuya Lino at Ate Tina at mga pamangkin kong tuwang tuwa akong binabati. Masaya ang kanilang mukha para sakin. Mahigpit akong niyakap ni Kuya Lino.
"Congrats kapatid ko. Alam nating pareho na masaya ang mga magulang natin kung saan man sila." Tama si Kuya. Kung saan man sila Mama at Papa ay pinapanood nila ngayon ang kasal ko kasama ang taong mahal ko. Magiging payapa na ang kanilang kalooban na nalagay na ako sa maayos na kalagayan.
"Tama ka Kuya. Salamat sa inyong lahat."
Agad ko silang niyakap at nakita ko ang pagluha nilang dalawa dahil sa wakas ay kinasal na ako sa taong mahal ko at panatag si Kuya Lino na nasa mabuti na akong kalagayan. Binati din ako ng apat na Bodyguards ni Conrado. Humingi naman ng tawad si Maam Tamara sakin sa nagawa niya noon na pinatawad ko naman at sinabing may taong nararapat sa kanyang pagmamahal.
"Nasa tabi mo lang. Tinatarayan mo kasi kaya hindi mo nakikita." Makahulugang wika ni Kuya Fear na kinasama ng tingin ni Kuya Stone sa kanya.
BINABASA MO ANG
Hunstman Series #:1- Lock in his Arms
Ficción GeneralConrado Hunstman. Son of a mafia lord "Walang ibang lalaki ang aangkin ng katawan mo kundi ako lang! Tandaan mo iyan!" Mapanganib na banta mula sa binatang Hunstman. Ang binatang baliw at handang pumatay makuha lang ang walang kamuwang na dalaga. An...