Lumipas ang ilang araw at nasanay na ako dito sa university. Dumami na rin ang mga kakilala ko at kabilang na doon ang nga kaklase namin.
Nasa kalagitnaan na kami ng klase nang may kumatok na estudyante saka may binulong sa professor namin.
"Alright... guys. Nandito ang inyong SSC President at mukhang may announcement sila. Please pay some attention."
Sabi niya saka sininyasan silang pumasok na.
Pumasok na nga ang presidente namin.
Kasunod niya pa ang iba't ibang Presidente ng mga club at kabilang dun si Vanessa na Presidente ng cheerleading club.
Itinuon ko ang pansin ko kay President na nagsasalita.
Napangiti ako kasi sobrang hinahangaan ko siya. Napakadesente niya kasi at napakasopistikada. Gusto kong maging katulad niya.
"Here with me are the Presidents of each clubs at gusto lang naming ipaalam sa lahat na bukas po kami sa kung sinong interesadong sumali as officials or members."
"They will be providing you their respective application form for you to be filled up and then pwede niyo pong ipasa sa kanya kanya nilang opisina."
Nagsilibot na nga sila at isa isa nila kaming binigyan. Busy ako sa pagbabasa ng application form ng Art club nang may isiningit na papel sa ibabaw nito kaya napatingin ako sa kanya. As usual mataray ang mukha niya.
"In case you're interested."
Bastusan? Hindi na ako umimik pa at tinanggap na lang ang papel na yun. Inilagay ko ito sa pinakahuli at pinagpatuloy amg pagbabasa ng form.
Nang makaalis sila ay nagdismiss na rin kami. Five minutes na lang din naman kasi ehh.
"Uy.. san ka sasali?"
Tanong ni Kristine.
"Hmm... parang gusto ko sa Arts and Music club..."
Sabi ko.
"Ikaw ba?"
Tanong ko.
"Gusto ko sa Sports Club parang masaya."
Sabi niya.
Lumapit naman si Nica at Kim.
"Uy guys! kain na tayo!"
Siga ni Nica.
Nitong mga nakaraang araw naging kasundo namin ang dalawang to. Palagi narin namin silang kasama sa cafeteria.
Si Nica half chinese siya at napakaganda. Kaso napakaingay niya rin at minsan masama ang ugli.