Chapter 15: Realization 2

5.3K 190 11
                                    



Mag-iisang linggo na mula nung huli kaming magkita ni Vanessa. Simula nun hindi na kami nagkakausap o nagbabangayan.

Kapag magkakasalubong kami parang wala siyang nakikita. Napapaisip ako kung bakit.

Pero diba mas maganda nga yun?

Bukas lunes na at first day ng intrams week namin.

Ayoko sanang sumali kaso attendance is a must daw. Kaya para di masayang ang oras ko sumali na lang kami sa mga palaro.

Si Aira sa dance contest. Si Nica sa badminton at si Kristine sa running. Ako? Basketball.. Marunong naman ako ehh.

Kasi nga diba? kuya's girl ako. Tinuruan niya ako kahit papano.

Speaking of the devil. Hanggang ngayon di ko pa siya pinapansin. Kahit na miss ko na talaga si Kuya pero ayaw niya magsorry ehh. Tsaka mukhang di naman niya ako namimiss.

Kanina tumawag si Kim.. Natuwa kami kasi mag-iisang linggo na din siyang di nagpaparamdam. May sasabihin daw siya eh.

Papunta na ako ngayon ng mall kung saan kami madalas.

Bago bumaba ay nagbayad muna ako. Masama mag 1 2 3 nuh.

Nang makarating ako sa coffee shop ay kaagad ko silang nakita sa dati naming table.

"Kim!" Sigaw ko saka siya niyakap ng mahigpit.

"aww di ako makahinga." Reklamo niya kaya napabitaw ako.

"Sorry."

Sabi ko saka naupo.

"So ano na?"

Tanong ni Aira.

"Siguro mag-eexplain ka naman kung bakit ka nawala. Di ka pa nagpaalam."

Nagtatampong sabi ni Nica habang umiinom sa cup niya.

"Yeah yeah.. sorry dun. Masyado kasing err.. confedential.. and I think you wouldn't understand."

Sabi niya saka kami nagsiiling.

"Wow grabe ka naman samin Kim. Kala mo samin mungguloid?"

Sabi naman naman ni Tin.

"Okay okay.. sasabihin ko na.. pero.. please don't judge me."

Sabi niya.

"Ano ba yan ang tagal."

reklamo ni Aira.

"Ano ba kasi yan at pinapatagal mo pa?"

Tanong ni Nica

"Guys ano ba? ang iingay niyo."

Pagsasaway ko saka sila nagsabaysabay na sa pagsasalita kaya naman wala na akong maintindihan.

Pero nagulat kami nang biglang sumigaw si Kim.

"I got married!!"

Napalakas pa ang pagsigaw niya kaya pati yung mga nasa kabilang table ay napatingin sa amin.

Ano daw?

"You what?"

Tanong ko.

"I am married."

Sabi niya saka inilabas ang sing sing mula sa bulsa niya.

"What the fuck!?"

Sigaw ni Nica.

"Oh. my. god."

Di makapaniwalang sabi ni Tin.

"Wait wait.. you got married?"

A Little bit of twistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon