Chapter 13

5.4K 192 14
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



















Lumipas ang ilang linggo at patuloy ang pag-iwas ko kay Vanessa. Sa tuwing makakasalubong ko siya liliko ako ng ibang daan o kaya naman babalik ako sa pinanggalingan ko.

Kami ni Kuya? Ewan ko. Di ko alam kung ba't kami humantong sa ganito. Siguro nasaktan ako ng sobra. Ni hindi man lang kasi siya humingi ng sorry.

Sa ngayon pakiramdam ko parang mas lumaki ang mundo ko. Marami na akong kaibigan at kakilala. Umiikot na ang mundo ko sa maraming bagay. May part sa akin na nagsisisi na hindi ko inenjoy ang high school days ko noon kasi masaya pala maging malaya paminsan minsan.

Ngayon pinapayagan na ako nina ate sa kahit na anong okasyon dahil napatunayan ko na ilang beses sa kanila na alam ko ang limitasyon ko.

Sabi ni ate Hannah nagbabago na rin daw ang taste ko sa mga bagay bagay. Lalo na sa pananamit.. inaamin ko naman yun. Nag-aayos narin ako pero maliban na lang sa pagmemake up. Di ako marunong ehh.

Nitong nakaraang linggo.. may nakilala ako at kasalukuyan niya akong nililigawan. Ang totoo hindi ko naman dapat siya papansinin kaso napakapersistent niya.

Hindi siya katulad ng ibang lalake na puro pamacho at pagwapo ang alam pero gwapo po talaga siya. Hahaha.

Engineering student siya at kilala siya dahil sa ilang beses niya nang pinanalo ang University sa mga academic competition sa loob at sa labas ng bansa. Hindi lang yun dahil player din siya ng football.

Bukod dun... mabait siya at magalang. Kahit na pinagpipilitan niya panliligaw niya sakin ay kahit kailan hindi niya ako pinilit na gumawa ng mga bagay bagay na ayaw ko.

Katulad kapag niyayaya niya akong lumabas tapos ayaw ko titigil na siya.

Speaking of the devil..

Nasa labas siya ng room namin ngayon kagaya ng dati.

"Haba talaga ng hair mo."

Bulong ni Tintin na katabi ko saka sila nagsihagikhik.

"Tumigil nga kayo..."

Pabulong kong sabi.

Nang matapos ang klase ay lumabas na kami at siya nama'y sumalubong.

"Hi."

Nakangiti niyang bati. Syempre ngumuti din ako. Haha.

"Hi Sam!!"

Bati ni Nica at Tintin.

Natawa naman ko sa dalawa. Nauna sila samin maglakad kaya naiwan ako dito.

"Ako na magdadala.."

Sabi niya saka kinuha ang bag ko at mga libro ko.

"Mabigat yan.."

A Little bit of twistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon