Chapter 20

5.3K 238 9
                                    

Nakailang beses na akong palit ng dress at wala pa akong nagugustuhan.

Bakit ba kasi ang hirap pumili?

"Anak? baka mapunit yang damit."

Nanay said na kakapasok pa lang.

"Nanay.. I can't choose."

Frustrated kong sabi saka ako napaupo sa kama.

"Himala ahh.. dati rati alam mo parati kung anong isusuot mo."

Sabi niya. .

"Piliin mo yung simple anak.. kahit ano naman bagay sayo eh. Tsaka kung talagang mahal ka nung kasintahan mo maganda ka sa paningin niya kahit na sako pa ang isuot mo."

Napangiti naman ako.

But honestly hindi naman si Rein ang nasa isip ko.

"Okay.."

Sabi ko saka ako pumasok sa closet ko saka ko isinuot ang isang floral dress na hindi ko pa naisusuot. Kalimitan kasing sinusuot ko puro sexy dress. Pero ito femenine.

"How about this nay?"

I asked.

"Ikaw ang pinakamaganda anak."

Napangiti naman ako saka ko siya niyakap.  

"Thank you Nanay... Ikaw din po maganda ka din po."

Sabi ko.

"Ay naku.. halika na at ako na mag-aayos ng buhok mo."

Naupo na ako sa harap ng mirror tsaka ako sinimulang ayusan ni Nanay.

Nang matapos siya napanganga ako sa harap ng salamin.

I look so different. Feeling ko tuloy mas lalo akong gumanda.

"Ito ang gamitin mo anak."

Saka niya inabot sakin yung liptint. Sanay kasi akong nakasuot ng pulang lipstick. 

Napakasimple lang ng ayos ko ngayon.

Makalipas ang ilang minuto narinig ko na ang busina ng kotse niya.

"Hindi man lang ba siya papasok?"

Tanong ni Nanay kaya naman napailing ako.

"Nay, aalis na po ako."

Paalam ko saka siya tumango.

"Wag kang nagpapagabi ha."

Bilin niya saka ako tumango.

Paglabas ko nakaupo siya sa hood ng kotse niya saka napatingin sa akin.

"Wow.. you look.. different."

Medyo naninibago niyang sabi.

"Yeah.."

Sabi ko naman 

"You're beautiful."

Sabi niya saka lumapit sa akin.

He then lean forward and kissed me. Hinayaan ko lang siya dahil bilang boyfriend may karapatan siya.

Nang matapos inalalayan niya na akong maglakad saka niya ako pinagbuksan ng pinto ng kotse.

Ilang minuto ang lumipas at nakarating na kami sa bahay nila.

Muli ay inalalayan niya ako hanggang sa makapasok kami ng bahay nila.

Kaagad naman  akong sinalubong ng mga kapatid niya.

A Little bit of twistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon