Chapter 58

4.4K 205 15
                                    




"Wow ahh!! nakakarami na yang secret admirer mo ahh! tingnan mo tong office natin oh konti na lang flower shop na!! tapos may pa chocolates pa..."

Napailing na lang ako kay Ally.

Simula pa kasi nung nakaraan sandamakmak na bulaklak na ang natatanggap ko. Walang nakalagay na pangalan pero may mga maiikling mensahe na nakasulat sa isang papel at base sa sulat kamay alam ko kung sino siya.

Siya lang naman ang may mala caligraphy na sulat kamay ehh.

Puro lang siya ganto simula nung may nangyari sa amin. She never showed up like how I'm expecting.

Napapaisip tuloy ako.

But I can't help but feel guilty for Ethan.. simula kasi nun hindi ko na siya nasasamahan. Kapag magkasama naman kami ayokong matagalan at halos hindi na ako magpahawak. Kahit  na matagal na kami wala pa namang nangyari sa amin ehh. Ewan ko lang kung bakit...

Pero bakit nung si Lala na hindi na ako makahindi... it wasn't like I hated it but the truth is I wanted it more. Hindi ko lang matanggap sa sarili ko. I feel very bad to my self dahil pakiramdam ko napakadali ko. Pero iba naman ang kay Lala diba?

Kasi mahal ko siya at hindi ko pinagsisihan ang nangyari. Hindi ko lang talaga maatim sa sarili ko. Hay!!! ewan ko!!!


Pero.... habang tinititigan ko yung mga bulaklak...

Tumitibok ng mabilis ang puso ko. Sa tuwing naiisip ko siya parang nawawala na ako sa sarili.

Kakayanin ko ba na hindi siya ang piliin?


Sa inis ko ay napatayo na lang ako.


Balak ko sanang magpagabi dito sa school ehh pero mukhang lumilipad ang isip ko.

"Oh sis! kala ko magpapagabi ka???"

Tanong ni Ally na nagliligpit na rin ng gamit.


"Naalala ko may lakad pala ako ngayon..."

Yun lang ang naisagot ko saka nauna nang umalis.

Nasa gilid na ako ng field nang may mapansin akong babaeng naglalakad palapit sa akin.

And even if it was getting dark kilala ko ang pigura na yun pati yung paraan niya ng paglalakad alam ko siya yun.

Napatigil ako hanggang sa tuluyan na siyang makalapit

"Oh coincidence ba to???'

Kunwari'y nabigla siyang makita ako.

Napairap naman ako saka tumingin sa ibang direksyon. Ang ganda niya kasi masyado...

"Stalker."

Sabi ko saka naupo sa kalapit na bench.

"Diba pag stalker nasa likuran palagi? eh nasa harapan moko ehh."

She said following me.

At sa harap ko pa talaga siya tumayo.

Kaya tuloy yung puso ko di na magkalma. Nakakainis naman ehhh.

Hindi na ako nagsalita pero mukhang pursigido talaga siya. Dahil lumuhod siya sa harap ko na ikinagulat ko.

"Hoy Lala!! tumayo ka nga dyan!!"

Saway ko pero tinawanan niya lang ako.



"Para magkalevel na yung mga mata natin, baka sakali kasing makita mo na ako... baka sakaling piliin mo na ako."

A Little bit of twistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon