Chapter 62

4.4K 163 12
                                    

Tawa ng tawa si Aira. Pano kasi pinilit naming ihatid ni Nica si Donna.

Kung bakit ko ginawa yun?

I saw something. Parang may chemistry sila ehh. Hahaha.

Tsaka nakita ko, somehow may interest sa kanya si Nica. Hindi siya yung tipong tutulong lalo na't di naman sila magkakilala. Tsaka tinatapunan niya ito ng tingin. Kung di niyo kilala si Nica, yung totoong Nica. Napaka-snob niya at hindi niya binibigyan ng pansin ang kahit na ano at sino na walang kinalaman sa kanya.

Simula nung dumating kami rito, palagi niyang tinatapunan ng tingin si Isa... kaso si Isa iwas na iwas.

Inaamin kong nasasaktan ako para kay Nica. Kahit na napakamaldita niya, she doesn't deserve to be ignored and neglected. Kung pwede lang na madaliin ang pagmomove on niya ehh.

Nang makabalik siya nagkatinginan kaming dalawa ni Aira.

"Is she smiling??"

Napakunot noo kami habang pilit na inaaninag ang mukha niya at tama nga kami.

Totoo ba to? nakangiti siya.

Anong nangyari?

nababaliw na ata kaibigan ko.

"Ummm... should we call a doctor now??"

Kunot noo namang napatingala sa amin si Nica.

"Doctor?? why??"

She asked.

"Baka kasi nababaliw ka na. Nakangiti kang mag-isa ehh."

Bigla naman siyang napaturo sa sarili niya.

"Ako? nakangiti?? pathetic."

Saglit kaming natahimik saka siya naupo sa tabi ko.

"Lala?"

Kaagad naman akong napatingin sa kanya.

"Pwede mo bang ibigay sakin yung sekretarya mo?'

Napaubo naman ako.

"Ano!?"

Sigaw ko.

Si Aira naman ay gulat din.

"You heard it... I want her."

Napailing naman ako.

"No no... hindi naman pwede yun. Para ipaalam ko sayo... tao yung secretary ko... makahingi ka parang laruan lang?"

Pagsusungit ko.

"Bakit ayaw mo?? baka naman interesado ka sa kanya??"

Kaagad ko naman siyang sinamaan ng tingin.

"Hindi sa ganun... she's one of my best employee... hindi naman ako makakapayag na kunin mo siya sa akin... tsaka wala din akong tiwala sayo."

Noo'y napangisi siya.

"Oh why? I won't hurt her."

Painosente pa ang loka.

"Seryoso ako... ibigay mo siya sakin. I would like her to be my secretary. Yun lang naman... nakita ko kasing passionate siya sa trabaho niya. Sa tingin ko makakatulong siya sakin."

Sabi nito pero hindi parin ako makumbense.

"Ayoko..."

Sagot ko.

She then smirked.

"Then I'll ask her instead..."

Napanganga na lang talaga kaming dalawa ni Aira.

A Little bit of twistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon