Chapter 12

5.6K 220 5
                                    

Parang tanga akong nakatulala sa upuan ko ngayon. Pano kasi... si Vanessa.

Bakit niya ba sinabi yun?

At ako naman nagpadala.

wag ka ngang maniwala sa sinabi niya Lala. Pinagtitripan ka lang nun kasi di mo inaccept yung friend request niya.

Pero ganun na ba ka big deal sa kanya yun at nagawa niya pang pagtripan ako?

Pero kanina... habang hawak niya yung kamay ko. Bigla na lang tumibok ng sobrang bilis ang puso ko.

Lalo na nung sinabi na niya yung...

Nagising ang wisyo ko nang may kumalabit sa balikat ko.

"Uy tulala ka?"

Tanong ni Kris saka ko lang napansin na nakatingin silang tatlo sa akin.

"Oo nga.. kanina ka pa namin kinakausap di ka sumasagot."

Sabi naman ni Aira.

"Tapos pabulong bulong ka pa ng Bakit kaya?"

Natatawang sabi ni Nica.

Napatingin naman ako kay Kim.

"Oh isa din to. Anong meron sa inyong dalawa??"

Natatawang tanong ni Aira dahil paglingon namin kay Kim nakatulala rin.

Napawi siya sa pag-iisip niya saka napatingin sa amin..

"Huh? ano yun?"
Tanong niya.

Nagtawanan naman ang tatlo kaya napailing na lang ako.

Napatingin ako kay Kim na hindi tulad sakin tulala lang pero siya iba ehh. Ano kayang problema niya?

Matanong ko kaya mamaya.

Lumipas ang mga oras at uwian na.

Naglalakad kaming lima sa hallway habang nagkukwentuhan nang may nabangga sa aking babae.

Buti na lang nakita ko siya agad kaya nasalo ko siya.

"Ay sorry!"

Sabi niya saka dali daling inayos ang sarili niya.

Natigilan kaming lahat nang makita namin ang kabuuan niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Natigilan kaming lahat nang makita namin ang kabuuan niya.

Tulo laway na nga ata kami ehh. Sobrang ganda niya kasi lalo na nung ngumiti.

"Ay.. uh.. ano.."

Sabi ko saka siya tumawa.

"I'm really sorry... may hinahanap kasi ako sa bag ko."

Sabi niya.

"You look new.. baguhan ka ba?"

Singit ni Nica kaya sinuway ko siya.

"Oh yeah... baguhan nga ako. I was actually struggling sa direction kaya ko hinahanap yung school map sa bag then I bumped into you."

Sabi niya saka tumingin sakin.

"Naku wala yun... Di mo naman daw sinasadya eh."

Sabi naman ni Aira.

"Oh how rude of me... I'm Shana.. Shana Adams..."

Pakilala niya saka inabot sa akin ang kamay niya na tinanggap ko din.

"Lairein..."

Grabe ang lambot ng kamay tapos ang bango niya pa.

Sabi ko saka din nagpakilala sina Aira.

"Palabas ka na ba?" 

Tanong ko.

"Ahh oo ehh."

Sabi niya.

"Oh then go with us."

Yaya ni Nica kaya ayun nga sama sama kaming lumabas.

Malapit na kami sa exit nang napansin ko ang grupo nina Kuya kasama na si Vanessa at ang mga minions niya na nasa may bench at doon nakatambay.

Napatingin ako kay Shana na nakakapit sa braso ko.

"Sorry.. pinagtitinginan kasi ako."

Napatingin naman ako sa paligid at nakitang nakatitig ang lahat kay Shana. Di ko sila masisisi dahil sobrang ganda naman talaga ni Shana. Tapos ang tangkad pa.

Papalampas na kami sa grupo nina kuya nang mahagip ang isang pares na mata na nakatingin sa akin.

Blangko ang mukha niya. Nang dahil sa ginawa niya kanina ay naguguluhan akong bumawi ng tingin.

Kung ano man itong nararamdaman ko wala lang ito. Sigurado ako pinagtitripan niya lang ako.

I swear kapag inulit niya pa yun di ko na alam ang gagawin ko sa kanya.



A Little bit of twistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon