"Sa wakas! nagkabalikan din kayo!"
Napangiti ako sa kanila.
"team LaVan forever!"
Natawa naman ako kay Tintin
"Ewww ang panget naman..."
Reklamo ni Nica.
"Eh ikaw kaya mag-isip! Wala ka ngang maiambag ehh."
Sagot naman ni Tintin.
"Mamaya magcelebrate tayo ah! tatawagan ko si Kim... sure ako matutuwa yun."
Sabi ni Aira.
"Sure ka bang makakapunta yun? ehh under ata yun nung asawa ehh."
Nagkatawanan naman sila.
"Pero... pano pala yung fiance ni Vanessa?"
Tanong ni Aira.
"Sinabi niyang aayusin niya na ang tungkol sa kanila..."
Sagot ko.
"Masaya kami para sa inyo Lala."
Napangiti naman ako sa kanila.
"It's saddening...."
Kaagad naman kaming napatingin kay Nica.
"Kasi di ko alam kung mangyayari ba yan sa akin..."
"Hindi ka parin ba pinapansin ni Isa?"
Tanong ko saka siya umiling.
"Do you want us to help you out?"
Aira asked.
"Nah... I've decided to move on already..."
Nalungkot naman ako para sa kanya.
Sa gitna ng katahimikan....
"Gusto mo tayo na lang???"
Biglang tanong ni Tintin na ikinatawa namin..
"GOD! PLEASE! No!"
Sigaw ni Nica habang si Tintin tawa lang ng tawa.
"Di din naman kita type ehh. Ayoko sa mga demonyo ang ugali nuh! gusto ko yung matalino... kagalang-galang at higit sa lahat mabait."
Sabi nito na napatayo pa.
"Tulad ni ate?"
Bigla naman siya natigilan.
"A-Ano?? baliw ka ba!? babae yun ehh."
Sigaw niya saka kami nagtawanan.
Matapos nun pumunta na ako ng opisina dahil ang dami ko pang tatapusing trabaho.
Nadatnan ko si Steve na busy sa laptop niya.
"Boss, you're late."
Kaagad ko naman siyang tinapunan ng tingin.
"It's only five minutes Steve."
Sabi ko saka naupo then started doing my papers.
"Nga pala malapit na raw irelease yung warrant laban kay Ethan."
He said.
"Ang dali naman ata?"
Tanong ko.
Napangisi naman siya.
"You should be thankful to have me."
Napailing na lang talaga ako sa lalaking to.
He actually reminds me of James. Kaso, lahat ata ng iutos ni Nica sinusunod niya.