I was too reckless. We almost did it my gosh! Nakakahiya. What kind of a person am I?? I'm basically a cheater!! you can write those words on my forehead now.
Oo bitch ako at masama talaga ugali ko pero kahit papano di ko kailanman naisip ang maging taksil.
I know it was considered as cheating in the first place but I actually told myself na hindi muna kami aabot sa ganun. Gosh, nakakagulat ang hormones ko ha? At mas nakakahiya pa dahil ako mismo ang nag initiate.
Bakit kasi ang sweet niya!? Lalo tuloy akong nahuhulog sa kanya. Ni di ko siya mahanapan ng butas. Her words and how she looks at me while she was talking to me earlier got me. I've fallen with how she makes me feel so good that I actually forgot about my rules.
I wonder kung kakayanin ko pa bang pigilan ang feelings ko sa kanya gayong araw araw makikita ko siya at sa araw na dumadaan mas lalo akong naa attach sa kanya.
Alam niyo yung feeling na ayaw niyo na pero gusto mo pa? MAGULO NUH? NAPAKAGULO.
How can I even stay away from her eh segundo pa lamang ang lumilipas ay gusto ko na siyang makita? Hindi ko din kaya kapag nakikita ko siyang masaya sa iba.
Hay! LAIREIN MONTEREAL mababaliw na ako sayo.
Morning came and I look like I could eat a brain. Mukha na kasi akong Zombie.
Paisa isa ang hakbang ko habang pababa ng hagdan nang mauna sakin si Isa.
"Move! you lazy Ass!! "
Sigaw niya.
Napairap ako sa kahyperan niya. I wonder where she gets all those energy?
She have been staying here but we merely have time together dahil masyado siyang busy. She always wake up early and comes home late.
Nung nasa huling baitang na ako patakbo siyang papunta sa pinto saka na lumabas.
"Naku, yung si Isa napakahyper ah. Di ba siya napapagod??"
Tanong ni Nanay saka napanganga nang makita ang itsura ko.
"Mukha kang namatayan anak? kape o biscuit?"
Pang-aasar niya kaya napabuga ako. Tinawanan niya lang ako then held me at pinaupo sa harap ng hapag kainan.
"Buti naman at lumabas ka na ng lungga mo nak. Papasok ka na ba?"
Tanong niya habang nilalagyan ng pagkain ang pinggan ko.
"Opo."
Sagot ko.
"Yung si Lala... mukhang close kayo ha? at siya pa talaga ang pumunta sayo imbes na ang kapatid niya?"
Natahimik ako sa sinabi niya.
"Kung lalake lang yun mapagkakamalan kong siya ang kasintahan mo."
Napabuga ako dahilan para masamid ako at mailuwa ang kapeng iniinom ko.
"Oh! ano ba yan nak! napano ka ba???"
Inabutan niya ako ng tubig at kaagad ko din naman itong ininom. Halos mawalan na ako ng hininga sa kakaubo eh.
"Ano bang mali sa sinabi ko at mukhang nagulat ka ha??"
Napailing naman ako habang hawak padin ang dibdib ko.
"Hay naku, oh sya maiwan muna kita at marami pa akong lalabhan."
When she left dun lang ako nakahinga ng maluwag.
Damn, manghuhula ba si Nanay?
Muntik na yun ah.
As I was walking in the hallways palinga-linga ako dahil baka makasalubong ko siya. It's not that I'm avoiding her, it's just that I don't know what I'll do if I really see her. Siguro tatalon na lang ako rito mula sa second floor.