Chapter 46

4.3K 194 14
                                    


Palinganga ako habang papababa ng paikot na hagdan ngayon.

Namamangha ako sa desinyo ng buong mansyon. Napakaclassy kasi at halatang ginastusan.

Pagkababa ko napatingala ako sa malaking paintin kung saan nakaguhit ang buong pamilya ni Nica.

Lahat sila puro seryoso ang mukha tapos puro pa nakaitim. Para silang mga bampira. Katabi ng malaking painting ang isa pang painting na si Nica ang laman.

Napakaseryoso ng mukha niya at nakakatakot ang mga titig. Diyos ko kung hindi ko lang siya kaibigan baka inisip ko nang mangkukulam siya.

"Tapos ka na bang husgahan ang litrato ko??"

Napalingon naman ako sa kanyang hindi ko alam kung saan nanggaling.

"Lagyan mo ng mga candles sa baba ng litrato mo."

Sabi ko.

"Para ano? lamay na? kape na lang ang kulang??"

Galit niyang turan sa akin.

"Bakit kasi ganyan mukha mo? parang galit ka sa mundo?"

Tanong ko.

"That was made when I was fifteen... di niyo pa ko kilala noon. Wala pang Isabelle sa buhay ko."

Malungkot ang mukha niyang sabi.

Kung titingnan siya at yung nasa litrato mukhang malaki na nga ang pinagbago niya.

"Dapat ko sigurong pasalamatan siya."

Nakangiti kong baling sa kanya.

"Lala.. about last night. I'm sorry..."

Umiling naman ako sa kanya.

"Hindi mo kasalanan yun."

Sabi ko.

"It must be hard for you. I can't imagine how much you sufferred para magkaron ng ganung kondisyon."

Malungkot ang mukha niyang sabi.

"Life can't be perfect."

Yun lamang ang isinagot ko.

Inaya niya ako sa labas saka kami naglakad-lakad.

"Tomorrow is Kim and her wife's anniversary... we're coming."

Sabi niya.

"Mabuti pa si Kim ha."

Sabi ko saka siya napailing.

"Lucky right? Love came early for her. Masaya na sila ngayon lalo na't may dalawa na silang anak."

Hindi naman ako umimik.

"Do they know we'll come?"

Tanong ko.

"Si Kim Oo.. pero yung iba. Nope."

Sabi niya saka ako napahinga ng malalim

"Goodluck satin."

Sabi niya saka naunang maglakad sa akin.


Matapos ng pag-uusap namin tinawagan ko si ate Hannah upang ipaalam sa kanya na nasa Pilipinas ako. Sigurado akong pagagalitan ako nun dahil hindi ko kaagad pinaalam sa kanya.



"You okay??"

Tanong ni Olive sa akin.

"Yeah.. bakit hindi?"

Nakakunot noong sabi ko.

She just smiled then hugged me.

Nakarating na kami sa coffee shop na pagkikitaan namin nibate Hannah.

A Little bit of twistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon