Nakamukmok parin ako rito sa loob ng kwarto ko. Hindi ko alam kung anong oras na. Ang alam ko lang hapon na. Bumaba lang ako kanina para mag lunch tapos umakyat na ako ulit.
Rein has been calling me pero pinatay ko cellphone ko.
I heard a knock saka nagsalita sanlabas si Isa.
"Hey are you awake?? lalabas kami ni Charlotte sasama ka?"
"No... thank you for asking."
Sagot ko.
"Okay! Kapag nagbago isip mo just call me okay??"
Napangiti ako kahit papano.
"I will... enjoy kayo."
Sagot ko then I heard her footsteps going down.
Maya maya may kumatok ulit kaya inis na napatayo ako at tinungo ang pinto.
Inis na binuksan ko ang pinto at sinigawan siya.
"I said I'm not coming you idiot- oh!?"
Gulat ako kasi hindi si Isa ang nakatayo sa harap ko.
She was surprised too while looking at me innocently.
Gosh I missed her. Pero pinigilan kong ngumiti at yakapin siya.
"Mag-usap tayo."
Saad niya saka ko siya pinapasok.
I walked towards my bed and sat. Siya nama'y nakatayo lamang habang nakatitig sakin.
"I'm sorry..."
Sabi ko.
"Dapat di ko ginawa yun."
Dagdag ko pa.
Nakita kong napaismid siya saka naupo na rin sa kama ko but in sideways.
"We both know we like it Vanessa."
Napatingin ako sa kanya na ngayon ay nakatingin din sa akin.
"But we can't be together Lala."
Nakita ko ang kalungkutan sa mukha niya nang dahil sa sinabi ko na mas lalonv dumurog sa puso kom
"Alam ko naman yun eh. Pero anong magagawa ko? kapag nilalayuan naman kita di ko mapigilan ang sarili ko at gusto kang makita."
Maktol niya. She's so cute talaga.
"Minsan lang ako maging ganito Vanessa. Simula ata pagkapanganak sakin sila na sinusunod ko. I never did something na sarili kong desisyon kasi ganun nila ako pinalaki ehh. I've always been playing by the rules... ngayon lang ako sumaya ng tunay at dahil sayo yun."
Wala kong ibang maramdaman kundi saya dahil for once naranasan kong maging rason sa isang tao para sumaya.
"What do we do now??"
Tanong niya.
Hinawakan ko ang pisngi niya saka ako nagsalita.
"Let's just love each other."
Nakangiti kong sabi.
Sa wakas ngumiti na rin siya.
Lumapit ako sa kanya upang yakapin siya. I rested my chin on her shoulder while she's hugging my waist. We stayed in that position for a long minutes hanggang sa umangat siya ng tingin sa akin. She's really cute.
"You smell like strawberries..."
She said while smiling kaya kinurot ko ang maliit na ilong niya.
"Wag ka kasing masyadong sweet para di ako nadadala."
Natawa naman siya.
"Ikaw din wag mo kong masyadong inaakit."
"Nagpapaakit ka naman?"
Balik ko sa kanya.
"Eh kanino mo ako gustong maakit?"
Inis na sabi niya saka naupo ng maayos.
"Kay Shana?"
Taas kilay kong sabi kaya napabuntong hininga siya.
"Puro ka Shana... kayo na lang kaya!"
Sigaw niya saka tumayo.
"Hey! where are you going???"
Inis na sigaw ko na rin.
"Uuwi na!"
The hell?? kanina ang sweet pa lang namin ah?
"Bumalik ka dito!!!'
Sigaw ko pero lumabas na siya ng kwarto kaya inis na hinabol ko siya. Nagulat ako kasi bigla siyang lumingon so I bumped on her buti na lang nasalo niya ako.
Face to face, I can smell her breath while smiling like a fool in front of me.
"Why do you always annoy me?"
Tanong ko sa kanya saka ipinatong ang dalawa kong kamay sa magkabilang balikat niya.
"Uuwi naman talaga ako ehh."
Sabi niya habang nakangiti.
"What?? you just got here."
Pagpapacute ko pero tumawa lang siya.
"I did not know you like acting cute. You should do that always."
Sabi niya habang sinasayaw niya ako. Parang tanga lang nuh? pero kinikilig talaga ako.
"I really have to go tho."
Sabi niya.
Wala kong nagawa kundi yakapin na lang siya.
"See you tomorrow babyloves?"
Sabi ko na ikinatawa niya.
"What's so funny?"
Inis na tanong ko pero kinaway niya lang ang kamay niya.
"Aalis na ako, Babyloves."
She said it like she was teasing me so I just rolled my eyes on her.
"Whatever kid."
Sabi ko then she just laughed.
But seconds later I was smiling like a fool habang nakasandal sa likuran ng pinto ko.
Sa ngayon, gusto ko munang sulitin ang mga araw na masaya kaming dalawa dahil baka bukas o makalawa maglaho na ang lahat.