Akala ko sa pagtatampo ko madadala ko na siya sa ganun, pero hindi parin. Ayaw niya padin sabihin sakin kung ano yung tinatago niya.
I understand her point kaso, di ko mapigilang di mag-isip. I'm really curious... Di ba niya ako kayang pagkatiwalaan?
Hay...
Pauwi na nga pala kami ngayon at kanina pa akong walang imik dito sa kotse.
"Are you really gonna ignore me all day?"
She asked pero di ko siya pinansin.
Not until she tell me her secret."Okay. Ihahatid na kita sa inyo."
She calmly said.
Di ba siya naaapektuhan kahit konti??
Hahayaan niya lang talaga akong magtampo? :3
Pagdating sa amin pinagbuksan niya ako ng pinto. At ako ganun parin.
Kinuha na sakin ng kasambahay namin ang gamit ko at natigilan ako nang makita ko si Dad na nakapamulsa sa taas ng hagdan.
"D-Dad?"
Gulat na tanong ko habang siya ay nakatingin kay Lala.
And what surprised me is that he actually came down.
"Magandang umaga po sir."
Bati niya.
"Magandang umaga din Ms. Montereal."
Bati ni Dad.
"W-Wait... magkakilala kayo Dad?"
Isang pilyang ngiti ang nakaukit sa mga labi ni Lala ngayon at si Dad naman ay tumango lang.
"Sir, can I please have a moment with you?"
She asked formally.
"Of course... I've been wanting to talk to you too anyway."
Nakanganga lang ako sa harap nilang dalawa.
"Princess, akyat ka na muna."
Utos ni Dad at kahit na naguguluhan ako ay sinunod ko na lang.
What the hell? May alam na ba si Dad tungkol samin?
Kilala ko si Lala at sure ako plinano niya to... and here I am having no idea at all.
Urgh. Nakakainis ahh...
The way Dad look at her kanina... alam ko may something. Errrr not the other kind of something ahh.. baka kung ano isipin niyo... Even if he's not smiling at all, I can tell.
Geez...
Makalipas ang ilang oras ay napagpasayahan ko nang bumaba.
Hinanap ko kaagad si Dad and I found him sitting on the couch habang nagbabasa ng newspaper.
"Dad.."
Tawag ko.
He then look at me.
"What is it Princess?"
Napanguso naman ako.
"Tell me, how did you two meet?"
I asked.
"Why'd you have to know? tsaka diba ako dapat ang nagtatanong niyan sayo? I mean it's not impossible for us to meet each other since we're both in the line of business.. ikaw? pano kayo nagkakilala?"
"And why did she drove you home?"
Ako naman ang natahimik. Oo nga nuh? .. ang galing din ni Dad magpaikot.