Wala sa sarili akong lumabas ng aking kotse habang inaalala ko ang huling beses na nakita ko siya at yung mga salitang binitawan ko sa kanya na siya ring dahilan kung bakit ngayon ay nawawala siya.
Ilang beses na bang nangyari to? It's like all I did is hurt her.
Nandito ako sa bahay namin upang kausapin si Dad.
Pero bago paman ako makapasok ay nakatayo na silang dalawa ni Mama sa may porch and it's like my feet has their own mind. Tumakbo ako sa mga bisig nila at doon ako umiyak ng umiyak.
Pinaupo nila ako sa sofa at saka sila nagsalita nang kumalma na ako.
"I heard what happened... I can't believe she's really missing."
Sabi ni Dad.
"Nireport niyo na ba sa police?"
Tanong din ni Mama.
"We did already... It's all my fault."
"No it's not honey..."
Sabi ni Papa pero umiling ako.
"Kasalanan ko to Dad. Nasaktan ko siya. I was so stupid."
Sabi ko habang umiiyak parin.
"Galit ka lang nun anak. Believe it or not she was expecting that from you. Pero hindi niya inisip yun dahil gusto niya lang na maging ligtas ka."
"Siya ang nag-inform sa akin ng tungkol sa siraulong lalaking yun. We both agreed to not to tell you dahil alam naming masasaktan ka at baka kapag nabigla siya ay iba ang maging reaksyon niya at masaktan ka."
Nakikinig ako ng mabuti sa explanation ni Dad na dapat ay pinakinggan ko na nung una pa lang.
"During those little meetings we had... I could tell she really loves you. It was too much that I could see your future with her. She never gave up on you and now..."
"Princess, now is the time for you to do something for her."
Sa mga sinabi ni Dad mas lalo pa ata akong nasasaktan. Pero tama siya. Ngayon ako kailangan ni Lala... At di ako titigil hangga't di ko siya nahahanap.
Kinabukasan muli kaming nagkita-kita and this time nandito na ang buong pamilya ni Lala includung her grandmother at pati na si Olive.
We all sat silently at ramdam ko ang titig sa akin ng Mama niya.
Wala akong pakialam kung anong iniisip niya. Nandito ako para kay Lala at hindi para sa kanya.
Niyakap ako ng mga kapatid niya kanina nang dumating sila which surprised me. Akala ko kasi galit sila.
"Few weeks... When Steve called that she started drinking again... Alam na naming babalik nanaman ang dati niyang sakit."
Olive started and we were all just listening.
"What do you mean?"
Tanong ni Rein.
"She is still not mentally stable... Magsisimula ang lahat sa pag-iinom... Sleepless nights and all day work... Papagurin niya ang sarili niya at bukod dun hindi na siya kumakain. All of those will result her having mood swings and uncontrollable anger."
"It's not that I'm blaming someone but you guys should have done something when you all first noticed these changes on her. I mean... Nakakasama niyo siya araw-araw and right now I'm pissed 'cause I thought we're through with all of this."
Lahat kami ay natahimik sa sinabi niya.
"Pasensya na, hindi namin alam na aabot sa ganito. Akala namin kailangan niya lang ng space."