Napabalikwas ako nang marinig ko ang malakas na alarm ng cellphone ko.
Ngunit napatigil ako nang makaramdam ako ng sakit ng ulo at katawan.
Pagtaas ko ng kamay ay doon ko lang nakita ang bandage na nakapulupot rito.
Ay oo nga pala...
Naalala ko... Kagabi nakatulog ako habang nagmamaneho. Tapos may nag-overtake na kotse papasalubong sa akin kaya nabangga kami.
Luckily, hindi gaanong mabilis ang pagpapatakbo ko at may mali rin ang sasakyan na bumangga sa akin. Tapos wala siyang lisensya kaya nagkaaregluhan na lang.
Siya nga ang naghatid sa akin sa hospital. Naawa nga ako kasi may mga anak pa raw pinapag-aral at nagmamadali daw siyang makauwi nun galing ng factory.
Alam ko din namang may mali ako kaya nung nag-insist siyang bayaran ang bill ko ay hindi na ako pumayag.
I even gave him money para sa damage ng sasakyan niya dahil company car lang nila yung gamit niya.
Halata namang sincere siya ehh at pinakita niya rin yung litrato ng mga anak niya.
Lahat naman tayo nagkakamali ehh.
Nang maupo ako ay mas lalo kong naramdaman ang sakit ng katawan ko kaso kailangan kong pumunta ng opisina ngayon.
Naghahanap ako ng maisusuot na damit nang may bigla akong naalala.
Teka? pano nga ba ako nakauwi?
"What do you think you're doing??"
Gulat akong napahawak sa dibdib ko nang marinig yun.
"V-Vanessa??"
Isang irap naman ang ginawa niya saka siya lumapit sa akin.
Binawi niya yung polong hawak ko saka ito ibinalik sa hanger.
"Di ka muna aalis ngayon... tingnan mo nga yang sarili mo?"
"Eh kasi ang dami kong gagawin sa office ngayon."
Sabi ko.
"Someone called earlier, it was Steve and I told him to take your place meanwhile."
Napabuga na lang ako.
Wala na akong nagawa kundi bumalik sa kama at naupo.
"Awww.."
Ang sakit kasi ng leeg ko.
"Come na.. nagluto na ako ng agahan. Kailangan mo pang uminom ng gamot."
She offered me her hand at tinanggap ko naman ito habang nakangiti.
"Dito ka natulog?"
Niyakap ko siya saka ako sumandal sa balikat niya.
"Oo.. magkatabi nga tayo ehh."
Napangiti naman ako.
"Talaga?? Sobrang antok ko na kasi kagabi."
Habang papababa kami ay nakayakap parin ako sa kanya.
"I know right... that's actually my second time seeing you in that state."
Saglit akong napaisip at naalala ko.
"Oh yah... nung nag-inuman kami nina Aira? It was against my will."
Isang tawa naman ang narinig ko.
"Wow ah? di halata. Nakikipagsayaw ka pa dun sa bote mo."
Bigla naman akong napatingin sa kanya habang siya tawang tawa.