Isa
Dalawa
Tatlo
Apat
Lima
at di mabilang....
Ang lumipas na araw na hindi ko siya nakikita. I feel like my heart is going to burst because of loneliness, anger, shame and hate. Labis ang pangungulila ko sa kanya. Pero hindi ko kayang makita siya gayong nalaman kong alam niya na ang nangyari sa amin ng isang gabing magkasama kami ng kapatid niya.
Hindi ko ata makakayang tingnan ang mukha niya at sa magiging reaksyon niya. Ang sakit sakit dahil pakiramdam ko isa akong balahurang babae. Sana mas lumaban ako. Sana tinulak ko siya ng mas malakas. Sana hindi na lang ako sumama sa kanya. Sana hindi ko na lang siya sinagot. Sana nagpakatotoo na lang ako sa nararamdaman ko sa kanya.
Bakit ba kasi ang duwag duwag at ang hinang hina ko??
I can't even look at my self in the mirror anymore. Pakiramdam ko hindi na ako maganda, hindi na ako kagalang-galang at higit sa lahat hindi na ako malinis. So why would I expect her to still accept me? Who would keep a trash? no one.
Absolutely no one.
Kaya mananatalili na lang ako dito sa kwarto. Magkukulong hanggang sa lumipas ang mga araw, buwan at taon.
Pero alam kong kailangan ko siyang harapin. Kailangan ko siyang makausap.
"Vanessa... get up.."
Charlotte called pero tumalukbong lang ako.
"Vani..."
She called again.
"Hindi ka pwedeng magkulong na lang dito..."
Naramdaman ko na lang ang paghigit niya ng kumot sa buo kong katawan kaya napaupo ako habang nakatago ang mukha ko sa pagitan ng mga tuhod ko.
"You have to stand up Vanessa. Ganyan ka na lang ba palagi?? magmumukmok at magkukulong? magtatago? hindi ka ba napapagod maging duwag ha???"
Naramdaman ko nanaman ang pagtulo ng luha ko.
"Nakikita ko si Lala araw-araw and she's broke as hell... kahit na tinatago niya pero kita ko sa mga mata niya. You have to fix this mess already."
"S-She hates me.."
Pag-iyak ko.
"Mas lalo pa kapag hindi mo siya kinausap... she need answers Vanessa. Kahit pa magtago ka ng ilang taon hindi mo matatakasan ang gulong pinasok mo at mas lalong di mo na mababawi ang nawala sayo. So might as well try to fix things."
She's right... I have to fix this. I have to face my situation.
"O-Okay... p-pero tulungan niyo ako please?"
Parang batang sabi ko.
Napahinga siya ng malalim saka ako niyakap.
"You dummy... of course we will. Now, fix your self. Papasok ka ngayon at kakausapin mo siya."
Sinunod ko siya at pumasok ng banyo upang maligo.
Hindi nakatakas sa akin ang salamin, ang payat ko na pala talaga. My eyes ang dark and my lips are pale. My hair was also a mess, just like how my life is right now.
Nang matapos akong maligo ay nagsuot na lang ako ng simpleng t-shirt at pantalon. Para saan pang magpaganda eh madumi naman akong babae?
Alanganin ang oras ng pagpasok namin dahil alas kwatro na ng hapon. Ang iba ay nag-uuwian na pero alam kong alas syete ang time out ni Lala ngayon.