Chapter 2: Saint Loiuse University

9.6K 255 13
                                    

"Akin na mga yan."

Sabi ni kuya saka inagaw sakin yung mga dala kong gamit. Napahinga na lang talaga ako ng malalim.

"Wahhhh ang laki naman pala nito kuya."

Namamangha kong sabi habang papasok kami ng school.

"Kaya nga dapat kasama mo ko palagi. Mamaya itotour kita."

Sabi niya saka ako inakbayan.

Kakaonti lang ang tao sa campus dahil hindi pa naman nagsisimula ang eskwela pero may ibang mga estudyante na napapatingin sa amin ni Kuya.

"Kuya ba't sila nakatingin?"

Tanong ko saka kumapit sa braso niya.

"Kasama mo lang naman kasi ang pinakagwapo at pinakasikat na varsity player dito sa SLU."

Pagmamayabang niya kaya tinulak ko palayo sakin habang natatawa.

"Ang hangin ata."

Sabi ko saka siya natawa.

"Halika na nga.."

Sabi niya saka ako hinila.

Nang makapasok kami sa main building ay kaagad na kaming pumila ni Kuya para humingi ng enrollment form. Siya na nga rin ang nagfill up ehh.

Matapos nun ay niyaya ako ni Kuyang kumain muna sa cafeteria.

"Ano sayo La?"

Tanong niya sakin.

"Fried chicken kuya!"

Sabi ko habang nakahawak sa laylayan ng t-shirt niya.

"Oh Rein? sino yang kasama mo?"

Tanong ni ateng tindera. Namangha naman ako dahil kilala niya si Kuya.

"Ahh bunsong kapatid ko po Ate."

Sagot ni Kuya.

"Ay ganun ba? ba't di mo kamukha??"

Nagtatakang tanong niya kaya napasimangot ako.

"Nagmana kasi siya kay Mama."

Sagot naman ni Kuya.

"Ang cute niya.. singkit."

Sabi niya habang nakangiti sakin kaya napangiti na rin ako. 

"Oo nga ehh. Sarap pisilin yung cheeks."

Sabi ni Kuya saka pinisil ang pisngi ko kaya pinalo ko sya.

Nagtawanan naman sila.

"Uy Pare!!!"

Biglang sigaw ng isang lalake saka dinamba si Kuya. Matangkad din siya at may kaputian. In short gwapo siya.

"Pare ano ka ba? matatapon yung pagkain ehh."

Reklamo ni Kuya saka nagsorry ang lalake saka bumaling ng tingin sakin.

"Who she?"

Tanong niya habang nakangiti sakin pero di ko lang siya pinansin.

"My little sister... halika na bunso."

Seryosong sabi ni Kuya.

"Oy teka ipakilala mo naman ako... Hi kapatid ni Rein."

Bati niya sakin kaya ngumiti ako.

"Bunso.. this is Macky and Macky this is bunso. Tumabi ka na nagugutom na kami."

Sabi ni Kuya saka niya hinawi ang lalaki na napakamot na lang sa batok niya.

"Ang rude mo naman sa kanya Kuya."

A Little bit of twistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon