Chapter 39

4.1K 218 48
                                    



Panay iyak lang ako habang nakaupo sa sofa. Nasa tabi ko si ate Hannah habang inaalo ako.

"Ano bang nangyayari dito!!??"

Galit na sigaw ni Mama.

"Minsan na nga lang kaming umuwi ng Papa niyo tapos ganito pa ang mangyayari!!? hindi na kayo nahiya sa mga kamag-anak natin!! Hindi ko kayo pinalaking ganyan!!"

"So, is it true Lairein??? ikaw ba talaga ang dahilan kung bakit nakipaghiwalay si Vanessa sa Kuya mo??"

Tanong ni ate Rona.

"S-Sorry po... h-hindi ko po sinasadya..."

Pag-iyak ko.

"Lala really?? of all people ikaw pa?? paano mo nakuhang lokohin ang Kuya mo?? ANO BANG GAYUMA ANG PINAINOM NG BABAENG YUN SAYO!!? "

Napailing naman ako habang umiiyak.

"Wa-Wala po... kasalanan ko po... Mahal ko siya..."

At isang sampal nanaman ang natanggap ko ngunit ngayon... galing kay Mama

Galit na galit siyang nakatingin sa akin.

"HOW COULD YOU!!!"

Sigaw niya.

"Hon, tama na yan! wag mo siyang saktan..."

Pagsasaway ni Papa.

"Mom stop... she's hurt. "

Umiiyak na sabi ni ate Hannah saka niya ako niyakap.

Nagtago ako sa mga bisig ni ate habang iniinda ang sakit ng pisngi ko. Pero wala akong karapatang magreklamo dahil nagkasala ako.

"You're unacceptable. Wala akong anak na tulad mo."

Parang kutsilyong tumarak sa puso ko ang mga salitang yun mula kay Mama.

Wala nang mas sasakit pa doon. Mas lalo pa akong napahagulgol noon.

Umalis siya saka inutusan si ate Hannah na dalhin ako sa kwarto ko.

Masama ang tingin sa akin ni Kuya Rein. Habang si ate Rona ay may bakas ng pagkadismaya habang hinahaplos ang balikat ni Kuya.

Kasama kong umakyat sa kwarto ko si ate Hannah at Kuya Rob. Saka nila ako pinaupo sa aking kama.

"You're bleeding... namamaga na rin ang cheek mo."

Umiiyak na sabi ni ate Hannah.

"Kukuha lang ako ng gamot."

Sabi ni Kuya Rob saka umalis.

Pagbalik niya inumpisahan na ni ateng gamutin ang labi kong pumutok ata.

Napangiwi ako nang dumampi ang gapas na sa sugat ng labi ko.

Habang si Kuya marahang dinadampi ang ice pack sa pisngi ko.

Hanggang ngayon hindi parin tumitila ang luha ko.

"A-Ate... Kuya... s-sorry po. Di ko po sinasadya... pinilit ko namang pigilan ang nararamdaman ko sa kanya ehh.. na-nakipaghiwalay na nga ako sa kanya ehh."

Pag-iyak ko ngunit umiling lang si ate saka niya ako hinalikan sa noo.

"No no... wala kang dapat ihingi ng tawad..."

Sabi niya.

"Pero-.. isa akong-"

"Ano?? lesbiana??"

A Little bit of twistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon