Ilang araw matapos ang pag-aresto kay Ethan. Nagulat kami nang malaman namin iyon.
Ngunit nang magtanong kami kay Lala tungkol sa nangyari ay tikom lang ang bibig niya.
At doon na nagsimula ang pagbabago sa kanya.
Nung una akala namin ay busy lang siya ngunit hindi.
Nakausap namin ang assisstant niya at ang sabi niya ay madalas raw na nagmumukmok si Lala. Naglalasing at kung hindi ay pinapagod ang sarili sa trabaho niya.
Hindi lang daw ito ang naging pagbabago niya dahil pati na rin ang pag-uugali niya at pangangatawan niya.
Madalas raw itong magalit at hindi na makausap ng maayos... To the point na kahit ang Lola niya ay walang magawa.
Hindi na rin siya nakikipagkita sa nga kapatid niya at pati na rin sa amin.
Napansin niya raw ang pagpayat ni Lala na ikinabahala niya.
Nag-usap usap kaming lahat.
Kaming mga kaibigan niya, ang mga kapatid niya at ang assisstant niya kung ano ang dapat naming gawin pero bago paman namin magawan ng paraan ay huli na ang lahat.
Isang gabi, tumawag sa akin si Steve habang umiiyak.
"Maam! Maam nawawala po si Boss!"
Nagkita-kita kami nung gabing yun at doon na ipinaliwanag sa amin ni Steve ang nangyari.
"Kahapon ganun padin siya, pero naglasing ulit siya at nagwala sa bahay niya. Sinamahan ko siya buong gabi at kaninang umaga kailangan kong umalis para asikasuhin ang mga papeles niya pauwi sana sa Brazil pero nung bumalik ako wala na siya."
"Inakala kong pumasok lang siya ng opisina kahit na nakapagtatakang hindi niya dala ang kotse at cellphone niya. Kaya tumawag ako sa opisina upang itanong kung nandoon siya pero wala raw...."
"Pinatawag ko kayo dahil baka alam niyo pero mukhang wala rin kayong alam. Pumunta na ako sa bar na palagi niyang pinupuntahan pero wala siya at kanina...."
"Hinalungkat ko ang mga gamit niya.... Nandito yung mga identifidation cards niya... Pati na mga credit cards niya..."
"Clearly, she doesn't have anything. Hindi ko na alam kung saan ko pa siya hahanapin."
Nag-aalala niyang sabi at kaming lahat ay napaupo sa pag-aalala.
"Maybe she's just out drinking..."
Sabi ni Nica.
"Diyos ko, baka kung ano nang nangyari kay Bunso..."
Sabi ni ate Rona na umiiyak na noon.
Nung gabing yun mismo ay halos malibot namin ang mga bar sa buong manila. Pero ni anino niya ay hindi namin nasilag.
Napagtanungan na namin ang lahat ngunit wala talaga.
Nawala lang siya ng parang bula. Walang pasabi. Ni hindi man lang namin siya nakausap pa.
Kinabukasan ay kinausap ko si Charllotte.
Napagdesisyunan naming sabihin na kay Vanessa ang nangyari.
Akala namin ay hindi niya kami papansinin ngunit makalipas lamang ang ilang minuto ay dumating siya bahay namin.
Nag-aalala ang mukha niya na sinalubong namin.
"What do you mean she's missing???"
Tanong niya saka kami nagkatinginan ni Charllotte bago namin iditalye sa kanya ang buong pangyayari simula nung araw na nagsimula ang pagbabago kay Lala.
Doon ko na rin narinig ang side niya.
Kung ganun siya ang dahilan kung bakit nagbago si Lala. Alam kong hindi ko dapat siya sisihin ngunit hindi niyo ako masisisi.
Kaibigan ko si Lala at saksi ako sa mga paghihirap niya para sa kanya. Saksi ako sa unti unting paglaho ng mga ngiti sa mga labi niya at ning-ning ng mga mata niya.
Nung huling beses ko siyang nakita ay nung bumisita ako sa opisina niya.
Nangingitim ang gilid ng kanyang mga matang tumingin sa akin. Sa mga oras na yun ay wala akong nakitang kahit na anong emosyon sa mga mata niya. Blangko.
Itinago ko ang sama ng loob ko kay Vanessa dahil alam kong hindi iyon makakatulong.
Nakita ko rin naman ang pagsisisi sa kanya and I know she's probably hating herself now.
Hanggang sa lumipas ang mga araw at linggo hanggang sa umabot na ng halos isang buwan wala parin kaming balita sa kanya.
Ipinagdarasal ko lang na sana ay kung nasaan man siya ay ligtas siya at mabuti ang kalagayan niya. Dahil lahat kami ay umaasa sa kanyang pagbabalik.