Chapter 40

4.6K 257 40
                                    

Kinahapunan ng ala una. Pumasok ako hindi para mag attend ng klase kundi para ayusin ang mga records ko sa university.

Nakasuot ako ng makapal na hoodie at face mask upang matakpan ang mukha ko.

Di ko mapigilang di mapaluha habang inaabot sa akin ng Records Custodian ang mg papeles ko.

Nang makalabas ako ay dumiretso ako sa field saka hinintay na dumating ang vacant nila.

Tinext ko si Aira na puntahan nila ako rito sa field.

Nakaupo ako sa ilalim ng puno habang nakapikit ako habang umiiyak.

Ano ka ba Lala? wala ka na bang ibang gagawin kundi umiyak??? ang hina hina mo naman.

Nahiga ako sa damo habang nakatingala sa kulay asul na langit.

"Ganito pala masaktan nuh??"

Tanong ko sa sarili ko saka ako tumawa.

Lumipas ang ilang oras at tumunog na ang bell. Kaya napaupo na ako habang hinihintay ang pagdating nila.

Maya maya narinig ko na ang tawanan nila kaya napalingon ako mula sa likuran ko.

Nakita ko silang naglalakad habang nagtatawanan. As usual pikamaingay nanaman si Nica.

Di ako makapaniwalang iiwan ko ang mga asungot na to.

"Lala!!'

Sigaw ni Tintin saka sila tumakbo papunta sa akin at niyakap ako.

"Teka? ba't ganyan suot mo? may sakit ka ba?"

Tanong ni Aira.

"Uhh.. maupo muna kayo."

Seryoso kong sabi kaya naman napaupo narin silang apat.

"What's going on??"

Tanong ni Aira.

"Are you okay Lala? tsaka bakit nakatakip mukha mo?"

Tanong naman ni Nica.

Wala naman sana akong balak ipakita sa kanila ang mukha ko kaso parang hangin si Kim at di ko napansing nakalapit na pala ang kamay niya sa mukha ko saka niya hinila ang suot kong face mask.

Napasinghap sila nang makita na nila ang mukha ko.

"What the fuck!? sinong may gawa niyan ha!!?"

Singhal ni Aira.

"Anong nangyari sa mukha mo Lala??"

Nag-aalalang tanong ni Tintin.

Wala na akong ibang nagawa kundi ikwento sa kanila ang buong pangyayari.

Nagulat sina Nica nang malaman nila ang tungkol sa amin ni Vanessa maliban kay Aira dahil siya lang naman ang nakakaalam ng tungkol sa amin. Pero nang malaman niya ang kuya ko at mama ko ang may gawa ng mukha ko nainis siya.

"Grabe naman... hindi naman nila kailangang saktan ka."

Naaawang sabi ni Tintin.

"So, ano na ngayon??"

Tanong ni Kim.

Napahinga ako ng malalim saka pinakita sa kanila ang dropping form ko.

"MAGDADROP KA!!"

Sigaw nilang lahat.

"Aalis na ako ng bansa. Kasama ang lola ko."

Sabi ko saka sila malungkot na tumingin sa akin.

A Little bit of twistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon