Dumating akong mainit ang ulo. Dahil nga sa away naming dalawa kanina. Tapos imbes na suyuin ako ay hindi talaga nagparamdam.
Hindi niya man lang ako sinundo?
Pero bakit kaya? kasi hindi naman ugali ito ni Lala. Alam ko in any minute pupuntahan niya ako.
Bakit kaya? baka busy?
Hay! okay na nga tatawagan ko na!
Di ko na mabilang kung ilang beses kong dinial ang number niya pero walang sumasagot.
Ano bang nangyari sa kanya?
Dahil mukhang wala siyang planong sagutin ay napatayo na lang ako para magpalit ng damit.
Maya maya ay narinig kong tumunog ang cellphone ko hindi ko na naituloy ang plano kong pagpalit.
Napangiti ako dahil akala ko siya pero hindi pala.
It's Rein... ano naman kailangan ng isang to?
Kaagad ko na ring sinagot
"Ano yun?"
Bungad ko.
"Vanessa... uhmm kasi si Lala... may nangyari sa kanya... pumunta ka ngayon sa hospital.. dali!"
Pagkatapos niyang sabihin yun ay parang binuhusan ako ng malamig na tubig.
Sa sobrang shock ko hindi ko alam kung ano ang una kong gagawin.
Oh my god...
Kaagad akong tumakbo pababa bitbit ang susi ng kotse ko.
Para nang magigiba ang dibdib ko sa lakas ng pintig ng puso ko sa sobrang kaba.
Kung anu-ano na rin ang pumapasok sa isip ko...
"What the hell... Lala ano bang nangyari sayo..."
Pilit kong kinakalma ang isip ko habang nagmamaneho pero wala... sobrang nag-aalala talaga ako.
Thank God at wala namang masyadong traffic kaya nakarating ako kaagad.
Nang makarating ako sa hospital ay kaagad kong itinanong ang pangalan ni Lala.
"Miss Lairein Montereal please?"
"Uhm wait lang po.."
Sagot ng nurse.
"Kakalabas niya lang po ng ER... nasa recovery room na po siya ngayon."
Wala na akong oras para sumagot pa at nagmadaling tumakbo papunta ng recovery room.
Nang makapasok ako ay nakasalubong ko si Rein.
"Rein! what happend!?"
Sigaw ko.
"Nandun siya."
Turo niya.
Kinabig ko ang tabing na kurtina saka bumungad sa akin si Lala na nakaupo sa kama na may bandage sa kanang braso at sa noo.
Napaiyak ako nang makita siya at kaagad siyang niyakap.
"What the hell happened!? are you okay!? I was so worried!
Pag-iyak ko.
"Uh-Kasi... medyo nakainom ako tapos... nakaramdam ako ng antok kanina sa byahe..."
she said.
"I was worried sick! akala ko kung ano nang nangyari sayo! nakakainis ka! bakit ka kasi uminom!? alam mo na palang lasing ka nagmaneho ka pa!"
Nakayuko naman siyang nagsorry.