"Bye!! Salamat sa paghatid ahh!"
Sigaw ko habang kumakaway sa papasok na sa kotse na si Shana. Hinatid niya na kasi ako sa bahay.
Napangiti ako nang makita ang suot kong pajamma na bigay niya.
Pagpasok ko kaagad na bumungad sakin si Ate Rona.
"Ang cute naman nyan! teka.. bat ganyan suot mo?"
Nakapamewang na tanong niya.
"Ehh kasi ate nag movie marathon kami kagabi tapos pinagpalit niya ako... sa sobrang enjoy namin nakalimutan ko na ang oras.. sorry ate ha."
Sabi tsaka niyakap ang ate ko.
"Hmm.. babae naman yung kasama mo eh. Tsaka may tiwala kami sayo... Nag almusal ka na ba??"
Tanong niya.
"Di pa po ehh... di ako kumain dun kasi sabi ko baka hanapin niyo na ako."
Sabi ko habang papunta sa kusina.
"Kumain ka na tapos magmadali ka na dahil baka mahuli ka sa klase."
Tumango naman ako saka naupo.
Habang kumakain ako tumabi sakin si Kuya Rein. Kinuha niya yung isang pancake sa plato ko at uminom sa orange juice ko.
"Sabay ka na sakin bunso..."
Sabi niya.
Nang natapos akong kumain nagmadali na akong naligo at nagsuot ng uniform.
Saka patakbong bumaba at saktong nasa baba na rin si Kuya Rein.
Sabay kaming lumabas at sumakay ng kotse.
"Bunso mamaya lipat ka sa likod huh. Susunduin ko kasi ate Vanessa mo."
Napabuga naman ako nang marinig yun. Ano ba naman yan?
Tsaka ate daw? tsk. No way.
"Lipat na ako."
Sabi ko saka dumaan sa gitna ng upuan at gumapang papunta sa backseat.
"Mamaya pa naman ehh."
Sabi niya pero napaismid lang ako.
"Parehas lang naman ehh..."
Nang umandar na ang kotse ay sinuot ko ang earphones ko at nagpatugtog.
Maya maya tumigil ang sasakyan sa tapat ng bahay nila at lumabas si Kuya para pagbuksan siya ng pinto.
Kung dipa sya tumingin sa rear view mirror di niya malalaman na nandun ako.
Nagtama ang mga tingin namin tsaka niya ako inirapan.
"Oh I remember... si Ate Vanessa mo sana ang susundo sayo kagabi ehh."
Pagpapaalam ni kuya.
"She knows. You don't have to tell her."
inis na sabi niya kaya nagtaka si Kuya.
"Babe, galit ka?"
Tanong ni Kuya.
"I'm just sleepy."
Nangongonsensya ba to?
Pero naghintay nga talaga siya. Eh ano namang magagawa ko eh ayaw ako paalisin ni Shana?
Nang makarating kami ng School kaagad na bumaba si Vanessa nang hindi hinihintay na pagbuksan siya ni Kuya.
Kita ko ang pag-iling ni Kuya habang patakbong humabol sa kanya.