Chapter 87

2.3K 119 6
                                    

"H-Huh??"

Tulala kong tanong sa kanya.

Ano raw?

"I said magpakasal na tayo."

Halos mabilaukan na ako ng sarili kong laway nang marinig yun.

I cleared my troat before speaking.

"Seryoso ka??"

Di makapaniwala kong tanong.

Pano ba naman kasi pabigla-bigla naman siya.

"Oo seryoso ako. Mukha ba akong nagbibiro??"

She said raising her eyebrows.

I was trying to say something kaso wala ehh. Na dumbfounded talaga ako.

"Bakit? Di ka pa rin ba handa?"  

Bagsak ang balikat niyang sabi.

Di ko alam kung bat di ako makapagsalita. Pero kita ko ang lungkot sa mga mata niya.

"We've been through a lot for God sake. Ilang taon nanaman ba hihintayin natin para sa ating dalawa ha?? Bukas o makalawa may aberya nanamang mangyayari. My ovaries are fucking getting old. Gusto ko nang bumuo ng pamilya kasama ka Lala kaya OO SERYOSO AKO."

"O baka naman ayaw mo talaga akong pakasalan?? Is it?? Do you see someone else as your wife???? Pwede ba sumagot ka naman!!??"

Bago paman siya magwala ay hinawakan ko na ang kamay niya upang pakalmahin siya.

Pano naman kasi galit na galit na.

Ginulat kasi ako ehh.

May plano pa naman sana ako. Kaso naunahan niya na.

"Wag ka ngang OA riyan. Di ba pwedeng nagulat lang ako? Di na ba ako pwedeng magulat Vanessa??"

Inirapan niya lang ako pero matapos nun ay nagtataka akong tumingin sa kanya habang siya ay papaluhod sa harapan ko.

"Uy anong ginagawa mo dyan? Baliw ka ba nasa sala tayo-"

"Shut it Lala. Ang bastos ng utak mo. Pwede ba pakinggan mo muna ako ngayon???"

Nang tumango ako ay saka niya na inalis ang hintuturo niya sa mga labi ko.

"First of all, I hate you for ruining my mood. "

"Pero alam mong mahal na mahal kita. Sobra pa sa inaakala mo Lala. To the point that I can't erase you in me."

"It feels like my life depends only for you. Nung nawala ka parang tumigil din mundo ko. All the way our journey, ang dami nating pinagdaanan pero palagi mo akong pinipili at palagi din ikaw ang pinipili ko."

"I love you so much...." she said heartfully with her voice cracking.

Naluluha na rin ako habang pinakikinggan ang mga sinasabi niya. Na alam kong galing pa sa puso niya. Sino naman hindi maiiyak?

How did I end up having this kind of love?

"I got my kness down for you right now... In front of you... To ask you..."

"Are you willing to spend the rest of this crazy life with me??"

"Kasi ako... Ikaw lang ang nakikita kong makakasama ko habang buhay."

She pulled out a box from her jean's pocket at nang buksan niya ito ay tumambad sa akin ang isang singsing.

Habang pinupunasan ang luha ko ay napangiti ako sa kanya saka isinuot sa akin singsing na hawak niya.

A Little bit of twistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon