Sa isang lugar kung saan wala akong kakilala nahanap ko ang tunay na kasayahan. Tinanggap nila ako sa kabila ng pagkakaiba namin. Masaya ako habang nanunuod sa mga batang naglalaro sa harapan ko.
Bumaling ako ng tingin kung saan naroroon si Lola at ang mga taong naging pamilya niya. Sila ang mga batang kunupkop niya noon at inaruga niya na parang mga tunay niyang anak at pinag-aral.
"Goodmorning...."
Bati ko saka sila masayang napatingin sa akin.
"Hey, you're here... nagbreakfast ka na ba??"
Tanong sa akin ni Lola.
"Yes po. Bago ako pumunta rito. I just wanna see you."
Sabi ko saka hinalikan si Lola sa kanyang noo.
"How are you guys?"
Tanong ko kina Olive, Grey at Tristan. Sila ang mga kinupkop ni Lola. Si Tristan at Grey ay parehas na nasa trenta anyos na. Si Tristan ay isa nang doktor ngayon habang si Grey ay isang abugado. Si Olive naman ay mas matanda lamang sa akin ng tatlong taon. Siya ang kasakasama ko sa pag-aasikaso ng mga negosyo ni Lola. Lahat sila tubong Brazil ngunit marunong silang managalog. Dahil na rin kay Lola.
"We're good. How 'bout you?"
Ani Grey habang nakangiti.
"I'm good... as always..."
Sagot ko naman.
"Well, I just came to see you Lola... tsaka para sunduin na rin si Olive... Shall we?"
Sabi ko.
"Okay apo... mamaya dumaan ka rito at magluluto ako ng hapunan."
Hinalikan kong muli sa pisngi si Lola saka tinanguan si Olive upang umalis.
Habang naglalakad ay nagsalita siya.
"Is there any day that you look ugly?"
She asked with her brazilian accent.Napangiti naman ako sa turan niya.
Olive is beautiful... yung ibang definition ng ganda. Mas matangkad siya sa akin at balingkinitan ang katawan. Mabait din at madaling makahalubilo. Ang dami nga naming similarities kaya magkasundo rin kaming dalawa. Kahit na nalaman niya noon ang tungkol sa sexuality ko hindi niya hinugahan. She was even there when I needed a friend. Sila nina Kuya Grey at Tristan.
"Enough with that today Liv..."
Napapailing kong sabi saka siya tumawa.
"I think I should be the one asking you that."
Nakangiti kong sabi.
"Oh stop it.. I know I am."
Natawa tuloy ako. Hindi naman ako kokontra kasi totoo naman.