Tulala akong nakaupo sa veranda sa likod ngayon habang umiinom ng alak. Kanina pa ako nandito simula nung makatulog si Olive.
Sinadya kong hintayin siyang makatulog dahil gusto ko talagang uminom.
Sa tingin alas dose na ng hating gabi pero heto ako gulong-gulo ang isip. Naramdaman ko na lang ang pagtulo ng luha sa mata ko nang dahil sa inis sa sarili ko.
"Ang tanga tanga mo, Lala... tatanga tanga ka."
Bulong ko sa sarili ko.
"Hoy."
"Shit ka!"
Gulat na sigaw ko. Muntik ko pang mabitawan yung basong hawak ko saka napalingon kay Nica na mukhang kakarating pa lang.
"Nica naman eh. Ginulat mo ko."
Sabi ko habang nakahawak sa dibdib ko.
"Penge nga nyan."
Sabi niya saka inagaw sakin ang baso at tinungga ang laman nun.
"Ano ba? akin yun ehh."
Nakanguso kong sabi saka siya naupo.
"Iinom ka pala di ka nagpasabi."
Sabi nito na mukhang katulad ko eh namomroblema din.
"Uhm.. konti lang naman ehh."
Sabi ko.
"Mukhang problemado ka?"
Tanong niya sakin.
"W-Wala... di lang talaga ako makatulog."
Pagmamaangmaangan ko.
Noo'y tinitigan niya naman ako saka siya ngumisi.
"Yeah right..."
Sabi niya saka sinalinan ang baso ko at ibinalik sakin. Nagulat naman ako nang tinungga niya ang bote.
"Hoy! baka malunod ka nyan."
Saway ko pero umiling siya.
"Alam mo bang kaya kong umubos ng dalawang bote ng brandy nang hindi natutumba?"
Napailing na lang talaga ako.
"Ano bang meron?"
Tanong ko.
Lumungkot naman bigla ang mukha niya at nagulat ako nang makita kong umiiyak na siya.
"Hey..."
Inalo ko siya saka ko siya niyakap.
"Am I not worthy?"
She asked kaya napahinga ako ng malalim.
"Bakit mo naman tinatanong yan? syempre Oo ang sagot ko. Everyone is worthy."
Sabi ko.
"Then why wouldn't she fight for me? Nakakapagod nang maghabol."
Di ko alam pero napaluha na din ako. Ramdam ko kasi yung sakit na hindi mapasayo ang taong mahal mo.
"I don't know exactly what to tell you. But you faught for her for a long time. Kung pagod ka na pwede ka nang sumuko. Bakit hindi mo na lang alagaan ang sarili mo? Before you ask someone's love try loving your self first, Nica."
Sabi ko.
Ngayon ay humihikbi na siya.
Nica is a very strong one. But seeing her like this hurts me. She needs help.