Unti unti kong minulat ang mga mata ko kaso kasabay nun ang pagsakit ng ulo ko na ikinabangon ko.
"Aray..."
Muli kong iminulat ang mata ko saka nilibot ang buong kwarto at narealize kong nasa kwarto ko pala ako.
Muli akong nakaramdam ng sakit na nagmumula sa kamay ko at nakitang may benda ako sa kamao ko.
Doon ko lang naalala kung anong nangyari kagabi.
Oo nga pala.
Tumayo ako saka tinungo ang banyo ngunit natigilan ako nang makita ko ang sarili ko sa salamin.
Namamaga ang mga mata ko at nagingitim sa gilid. Ngayon ko lang din napansin ang pagpayat ng mukha ko at buong katawan ko. Ang buhok ko naglalagas sa di ko malamang dahilan.
I look terrible...
Who would feel great when the people you love the most does not want you around?
I have already given up everything but still I'm not enough. Iniisip ko na baka nasa akin nga ang mali.
Sobrang pagod na akong ipagpilitan ang sarili ko sa mga taong ayaw sa akin and it's hurting me, killing me slowly. I feel like kapag tumagal pa ito bibigay na ako...
I don't want that... Pero mapipilit ko bang mangyari ang gusto ko? Mapipilit ko ba silang magustuhan ako?
Hindi.
Kung pwede lang akong lumayo...
Pinahid ko ang luhang dumadaloy sa pisngi saka ako napatingin sa kamay ko.
Maybe I can...
Naghilamos ako at nang matapos yun ay nagsuot na ako ng sapatos at nagpalit ng damit.
Naisip ko na kung lalayo ako... Hindi dapat ako mag-iwan ng kahit na anong clue kaya naman napagdesisyunan kong iwan ang lahat nang gamit ko at saka kinuha ang pera sa safe ko na ako lamang ang nakakaalam.
Itinali ko ang buhok ko saka nagsuot ng sumbrero at coat na nakatago lang sa mga luma kong damit.
Bago ako lumabas ay napatingin ako sa kabuuan ng bahay ko.
Pinakiramdaman ko ng mabuti ang sarili ko at sa kauna-unahang beses ay nakaramdam ako ng kasiguraduhan. Alam kong hindi ako magsisisi sa huli.
Bago paman ako makalabas ng building ay naisip ko na kung ano mga dapat kong gawin at kung saan ako pupunta.
Una, kailangan kong bumili ng mga bagong gamit lalong lalo na damit. Kaya pumunta ako sa isang shop na kung saan makakabili ka ng murang damit na second hand. Pinili ko lamang ang mga simple at komportableng damit tulad ng oversized t-shirt, jogging pants at mga long sleeves.
Napatingin ako sa rubber shoes ko saka ako lumapit sa tindera.
"Miss... Pwede ko ba itong ipagpalit sa tsinelas na to?"
Turo ko sa isang tsinelas na adidas.
Naguhuluhan naman syang napatingin sa akin saka tumango.
"Sure po kayo? Mamahalin po sapatos nyo ehh..."
Tumango naman ako saka hinubad ito at isinuot ang tsinelas.
Ibinagay ko na rin sa kanya ang mga nabili kong damit saka ang itim na bag na paglalagyan ko ng mga gamit ko.
"1,580 po lahat..."
Pinasok niya ang lahat na nabili ko sa bag saka ko inabot sa kanya ang 2,000 pesos.